3P’S: PERSPEKTIBO NG POSITIBONG PILIPINO
(1) Wala ng mababago sa bayang ito.
(2) Huwag tayong maniniwala na
(3) Malilinis pa ang ating bayan
(4) Mawawala ang matinding korapsyon sa pamahalaan
(5) Magkakaroon ng matahimik na pamumuhay
(6) Matitigil ang patuloy na patayan
(7) Mabibigyang halaga ang bawat karapatang pantao
(8) Isaisip natin
(9) Hindi nagpapahalaga ng buhay dito
(10) Hindi kinikilala at nirerespeto ang mga karapatan dito bilang isang
malayang tao
(11) Huwag nating isiping
(12) Pinagtutuunang pansin ng mga niluklok nating lider ang kapakanan ng
ating bayan
(13) Hindi totoo yan
(14) Ginusto natin lumipat sa Finland, bansang pinakamaayos at
pinakamalinis sa buong mundo
(15) Ginusto natin lumipat sa Japan at Switzerland, mga bansang tunay na
nagpapahalaga sa karapatang pantao
(16) Ginusto natin lumipat sa New Zealand, bansang pinakamaganda at
pinakaligtas na tirahan
(17) Ginusto natin lumipat sa Denmark, bansang hindi pinagkalooban ng
korapsyon sa pamahalaan
(18) Ginusto natin manirahan sa ibang bansa
(19) Huwag nating isipin na
(20) Ang magbibigay ng maayos na solusyon ay ang mga niluklok nating lider
(21) Ang mag-aangat ng mga nasa laylayan
(22) Ang magpaparamdam ng kaginhawaan sa halip na kahirapan
(23) Sila ang kumikilos at patuloy na kikilos
(24) Mangungurakot
(25) Manlilinlang
(26) Mang-aabuso
(27) Mananakit
(28) Mang-aapi
(29) Papatay
(30) Hinding hindi
(31) Nila tayo
(32) Bibigyang halaga
(33) Kikilalanin
(34) Sasamahan
(35) Tutulungan
(36) Dadamayan
(37) Maniwala tayo
(38) Iyan ang ikinukubling katotohanan
(39) Hindi nila tayo kayang bigyan ng kalidad na pamumuhay
(40) Hindi naman totoong
(41) Nalulungkot sila sa kalagayan natin at ng ating bayan
(42) Nasasaktan sila sa sitwasyon ng nakararaming mahihirap
(43) Nararamdaman nila ang ating estado
(44) Ang totoo
(45) Wala na silang pakialam sa atin
(46) Hindi totoong
(47) Gagawin nila ang kanilang makakaya para sa ika-aayos at ika-uunlad
ng bayan
(48) Ibibigay nila ang pinakamakabuluhan, tahimik at matiwasay pamumuhay
sa ating mga Pilipino
(49) Isinasaayos nila ang bansa para sa maayos na kinabukasan
(50) Ang totoo niyan
(51) Ginagamit lang nila tayo para sa sarili nilang kapakanan, kayamanan at
kapangyarihan
(52) Kaya huwag nating isipin na
(53) Mahalaga tayo
(54) Sa mga tingin nating “bagong lider ng pagbabago”
REVERSE POETRY: BASAHIN PATAAS ! ! !

















