Wala nang mas hihirap pa sa sitwasyong nagkagusto ka sa taong tinuring mong kapatid. One day magigising ka nalang na hindi na kumpleto ang araw mong hindi siya nakikita. Na hindi kompleto ang umaga mong hindi mo siya nilalambing at pareho kayong nagtatawanan. Na pareho kayong nakatira sa isang bahay at tawa lang kayo ng tawa, ang saya niyo. Tapos isang araw bigla mo nalang mararamdaman yung matinding selos. Yung selos nang sobrang nakakapag panikip ng dibdib, yung selos na nagsasabing “Maghanap ka ng matataguan, Lalabas na ang luha mo”. Bakit ka nga ba umiiyak? Bakit ka nga ba nagseselos? BAKIT KA NGA BA NASASAKTAN? Alam mo bakit? Kase, hindi nalang pang kapatid yung nararamdaman mo sa kanya.
Masakit makitang may mga bagay na kaya niyang gawin para sa taong pinagseselosan mo. May mga bagay na hinihiling mong sayo ginagawa, unfortunately hindi sayo. Lalake ka kase. Bestfriend o kapatid ka lang kase. Alam mo naman sa sarili mo na 100% No chance ka sa kanya, imposibleng magka gusto siya sayo. Kaya wala kang magagawa kundi tanggapin nalang ang sakit habang nakikita mo silang masaya. Ngayon naramdaman mo na kung gaano kasakit ang pagiging disenteng bakla. Kaya kailangan mong umuwi at umiwas nalang, dahil kailangan mong iligtas ang sarili mo.Dahil sobra ka nang nasasaktan. Sa mundong ginagalawan ng mga disenteng bakla, Hindi sapat na ginawa at binigay mo na ang lahat para mahalin ka ng taong mahal na mahal mo. HINDI PA DIN SAPAT. Ngayon, Susubokan mong lumayo at pinagdarasal mong “SANA EFFECTIVE”, “Sana mawala na yung sakit”, at “SANA MASANAY NA AKONG WALA SIYA”. Mag momove on ka nalang ng hindi niya nalalaman. Ang hirap diba? Ang hirap. pero kailangan mong gawin para sa sarili mo.