Isang Taos-Puso (At Saksakan ng Habang) Pasasalamat
Nag-usap kami ni MC nung gabi ng anniversary gig. Ang sabi ko sa kanya, may isang bagay akong napansin na iba sa'min bilang prod. Sa Pinkfive kase ang mga pumupunta - banda man, o supporter - 8 out of 10 times eh nagiging kaibigan namin after gig.
Hindi ko alam kung dahil sadyang ma-PR lang ang mga kasama ko (si MC at Yvette, lalo) kaya ganun, o dahil ganun lang din talaga ang vibe sa mga gigs namin: walang pressure (sa mga bands, at least), walang demands, walang arte. Lahat game, lahat puwedeng makausap at maging kaibigan.
Aminado akong hindi nag-uumapaw ang crowd sa first anniversary gig namin, pero kahit pa ganun, nag-uumapaw pa rin ang saya sa puso ko dahil sa dami ng taong pumunta para maki-celebrate sa amin.
At sa mga susunod kong sasabihin eh malamang sa dagukan ako ni MC dahil a) ang haba at tamad s'yang magbasa, at b) mashado na naman akong nagiging emosyonal.
Sa lahat ng mga bars na natugtugan namin:
6UG (miss na namin dito), Genre Bar (Kuya Kurt!), at Kodomo Restobar (Miss Mina!), salamat ng marami sa pagpapaunlak kahit kami ay bago pa.
Kay Emman Jimenez, salamat at hinayaan mong magkuta ang Pinkfive Productions sa Obsidian Bar nitong nakaraang taon. Alam natin pare-pareho na marami pa kaming kakaining bigas sa larangan ng pagpo-prod, pero kahit na ganun eh never mo kaming ni-discriminate at sa halip eh bukas-palad mo pa rin kaming tinutulungan at sinusuportahan. Mapadpad man kami sa malayong lugar eh mananatili pa rin sa puso namin na Obsidian ang pinakamamahal naming homebase: dito kase naganap ang marami sa pinakamasasaya naming sandali, pati na ang pagbuo sa mga pagkakaibigang mahirap nang buwagin.
To Moki, Fredz at Charisma ng Outer Limits, salamat sa suporta. Alam kong dapat first Friday ang gig n'yo lagi, pero nagparaya kayo para sa mairaos namin ang una naming kaarawan at makasama namin buong gabi ang Dhruva Tara.
Sa mga bandang tumugtog sa'min nung gabing 'yun:
Avayadown, salamat sa pagmamahal n'yo mula pa lang nung simula. ♥ Salamat! Nakakamiss ang tugtugan n'yo. Salamat din at napa-guest n'yo 'yung lider ng isa sa mga bandang una rin naming minahal. Itago na lamang natin sa pangalang Jepoi ng Sidewinder.
Black Summer, salamat at nagpaunlak kayo ng tugtog kahit na medyo na-late na. Salamat din sa all-out na suporta hanggang sa sumikat na yung araw kinabukasan.
Doki, to paraphrase your song: Kayo, kayo ang nagbibigay kulay sa aming mundo. ♥ Salamat dahil never n'yong ipinagdamot ang talent at napakagandang tugtugan n'yo sa'min nitong nakaraang taon. Isa kayo sa mga bandang never naming pagsasawaan hindi lang dahil ang sarap n'yong pakinggan, kungdi dahil ang babait at ang totoo n'yong mga tao. :)
Dhruva Tara, hindi namin narealize na ang lakas pala namin sa inyo until last Friday. Salamat sa pinakamagandang set n'yo of all time, at sa oras, effort at preparation! Stuff of legends kayo nung Friday.
The Naked Lights, salamat at lagi kayong handang tumugtog may beer man o wala. (Though alam naman namin na si Ymi mas mahal kami 'pag may alak na nakalatag d'yan. :))) Friday night was another reason to love you guys.
Talata, espesyal kayo sa'min. Never kayong nahuli sa listahan ng mga bandang tinitingala, sinusuportahan at minamahal namin. :)
Flicker Fusion. This goes without saying, but I will say it just the same. Salamat sa walang-hanggang pagmamahal at suporta na ibinibigay n'yo sa'min bilang mga kaibigan n'yo, at bilang prod. Nakakatawa kase nagsimula ang Pinkfive para tulungan kayo, pero minsan (dumadalas na ngayon), kagaya ng mga pagkakataong ito, eh mas natutulungan n'yo pa kami kesa sa natutulungan namin kayo. Salamat, sobra. Words fail in expressing our love for you.
Sa lahat ng mga bandang nakilala namin sa Pinkfive nitong nakaraang taon: salamat sa oras, talento at pakikipag-kaibigan na ibinahagi n'yo sa'min. Sana kahit paano eh natulungan namin kayong maparinig ang tugtugan n'yo sa mara-maraming tao.
Sa Petix Club: Ang pagmamahal namin sa eksena ng mga kasama ko ay nagsimula sa inyo. Kung hindi binubuo ng mga saksakan ng astig na mga tao ang grupo na'to eh hindi namin maiisip na bumuo ng Pinkfive Productions. Salamat ng marami palagiang suporta n'yo, sa pisikal o in spirit man.
Sa mga naggagandahang Pinkfive Chicks, noon at ngayon:
Mitchy, kung hindi dahil sa pangungulit mo noon, never nating nabuo ang Pinkfive. Salamat dahil pilit mo akong idinamay dito noon.
Cartess, salamat sa lahat ng oras at pagmamahal na ibinigay mo sa Pinkfive kahit na sobrang tambak ka rin sa trabaho nung mga panahong nadamay ka sa kaguluhan na ito. You are sorely missed these days.
MC, salamat at nagpauto ka sa akin noon na damayan ako dito. Seryosong kung hindi dahil sa'yo eh May of last year pa lang nag-quit na ako. Utang ko sa'yo ang structure at system ng Pinkfive ngayon. Kahit kelan eh hindi ko mapapangarap na mapantayan ang order na ginawa mo para sa noon eh chaos na status ng Pinkfive nung simula.
Yvette, salamat sa pagsalo mo nung mga panahong nalulunod na ako sa trabaho at responsibilidad sa buhay-prod, magpasa-hanggang ngayon. Masaya akong kasama ko ang isang tulad mo na naiintindihan ang mga gusto kong mangyari sa prod, pero naka-ground at practical enough pa rin para kontrahin ang madalas kong pagiging idealistic at impossible.
Sa lahat ng mga fans, friends, at family members na sumuporta at patuloy na sumusuporta sa Pinkfive at sa mission naming tumulong sa mga bandang independent, unsigned at nagsisimula pa lamang - maraming salamat sa inyo! Kung hindi dahil sa inyo eh first half of last year pa lang eh tinigil na namin ang kalokohan na'to. Pero tumagal kami, at mas tatagal pa dahil sa inyo.
This year, you can expect greater gigs and greater music from us. Dahil after nitong first anniv gig namin, na-realize namin na utang namin sa inyo 'to.
We owe it to you guys to be bigger and even better. :)