Leaked copy of PNoy’s ‘SONA’ from http://www.newsbreak.ph
READ IT FROM THE ORIGINAL PAGE: http://www.newsbreak.ph/2011/07/25/leaked-copy-of-pnoys-sona/
State of the Nation Address of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
July 25, 2011
Speaker Feliciano Belmonte Jr. and Senate President Juan Ponce Enrile.
Vice President Jejomar Binay, I know Junjun was just trying to be witty, but it offended Kris and me.
Chief Justice Renato Corona, tigilan mo ang Hacienda Luisita. Why don’t you distribute Iggy Arroyo’s hacienda?
Former Presidents Fidel Valdez Ramos, Joseph Ejercito Estrada, and she who shall not be named for she is absent.
Members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps;
Mga minamahal kong kaibigan, kaklase, kabarilan:
(SEC. OCHOA, SEC. LACIERDA, KIEF RAVENA AND OTHERS WILL STAND UP AND CHANT “ANIMO ARENEOW!”)
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangangdaan.
Sa isang banda po ay ang tuwid na daan. Mula Valenzuela, nakaabot ako ngSingapore, para lang makahanap ng First Lady ng bayan.
Sa kabilang banda ay ang baluktot na daan. Kaya ibinenta ko ang aking Porsche.Mungkahi ni Mar at Anne Curtis, mag-MRT na lang ako. Wala nang wangwang, wala pang counterflow.
Bago ko man kayo iniligaw, matagal na pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng mga kasalanan ni Gloria. Mabuti na lang absent siya.
Sa unang taon ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
Dahil kay Gloria, may toll free increase at oil price hike.
Dahil kay Gloria, umabot po ng tatlong bilyong piso ang utang ng PCSO.
Dahil kay Gloria, isanlibong porsyento naman ang itinaas ng utang ng NFA.
Dahil kay Gloria, may climate change at binaha ang Metro Manila.
Dahil kay Gloria, nag-away si Heart Evangelista at Marian Rivera.
Dahil kay Gloria, naging “alleged” victim si Amanda Coling.
Dahil kay Gloria, si Bedol ay naka bullet-proof vest at si Zaldy ay may“insignificant coronary artery disease.”
Dahil kay Gloria, nawalan ako ng love life at nalagas ang aking hairline.
To you who were once a President, this advice: Mind your own district. Mind your own hairdo. If you really want something done, just be a Congresswoman. Don’t pussyfoot. Don’t pander. And don’t wear your neck brace in public.