ADVENTURE of a LIFETIME: The “Drawing” Itinerary Chronicles
Nag-simula ang lahat ng plano sa first quarter pa lang ng taon, first stop sana namin ang Zambales, syempre dahil malayo pa, kaya easy-easy lang. Then pumasok na ang Summer Season, Nagahol na kami sa oras, deciding and brain storming all-in-all. Hayun dahil tila imposible na, nauwi kami sa Cagbalete, Quezon “sana”. Dahil meron nang siguradong destination para sa itinerary, sinigurado na rin namin ang petsa, matutuloy ang outing, sa petsang June 10-12, 2017 na sasapit na nang Rainy Season. Pero kung kailan naman malapit na ang mismong araw ng Outing, tsaka naman nag-simulang mag-back-out ‘yung dalawa naming kaibigan na kasama namin last year sa Lucban at Pagbilao, Quezon;
(the image below was the last year’s barkada outing at Pagbilao, Quezon)
At kalauna’y isa din pala ako sa magba-back-out 2 days before the said date due to office work commitments. Dahil sa ginawa kong pag-atras, they decided to Postponed the Cagbalete Trip, and up until now, guilty ako doon. But my fate won’t let pass my year without an adventure.
Gabi ng June 10, after ng O.T. ko sa work nag-chat ang friend kong pogi, nagtatanong kung sasama daw ba ako, this time sa Pangil, Laguna, dyusko kahit isang Travel Get Away man lang this year makaraos ako, kaya nag-GO na ‘ko.
AT HETO NA NGA!
Nakaraos nga ako kasama sila, kulang nga lang kami.
Side Trip at Pililia Wind Farm, Pililia, Rizal. June 10 - 7:30 am
Finally, pagka-dating namin sa house ng relatives ng pinaka-pogi naming kaibigan, it only took an Hour bago kami nag-simulang mag-trekking, First Station. June 10, 2017 - 10:21 am
Dyusko, wala pa man kami sa First Station, nakaramdam agad ako ng Hapo na First time ko lang naramdaman sa buong buhay ko, MUNTIKAN NA KONG MAG-COLLAPSE dude, Nabigla kasi katawan ko sa sobrang extreme at steep ng path. ‘Di ko in-expect, ganun pala ‘yun, kapag sobra na ang pagod, sa lakas ng tibok ng puso mo, maririnig mo na literally yung rushing blood dun sa pintig ng pulso sa may tenga, at aminado akong natakot sa senaryong ‘yon, kaya kung makikita mo ‘yang picture sa ibaba may hawak na kong tungkod na gawa ng tour guide namin; muntikan na nga din pala akong bumalik na lang sa bahay, but my friends and the son of our tour guide motivates me and said that the second station we are about to approach was only about a few meters remaining, kaya sige pinilit ko na lang; (Note: 73 kilos lang ako bago umakyat, then after ng adventure, naging 72 kilos na lang ako, laki ng binaba diba?) June 10, 2017 - 10:30 am.
3rd Station, kita na namin yung Buntot Palos Falls sa likod, medyo kalmado na ko ng mga oras na ‘to, patag na kasi yung dinadaanan; nilaktawan namin sa picture taking ang 2nd station dahil isa lang s’yang malaking puno ng Balete na posibleng tinitirhan ng kung anong elemento, so we skipped the photo ops. (baka may iba na kaming kasama pabalik) haha. June 10, 2017 - 10:55 am.
TA-DAAHHH! Sa wakas narating na rin namin ang Buntot Palos Falls na kung sinukuan ko, malamang hindi ko masisilayan ang ganda. Kaya sobra din ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil hindi din nila ako sinukuan sa pag-akyat sa bundok na matarik at sa pag-tawid sa mga makikitid na bangin. June 10, 2017 - 11:07 am
Dahil sa dami ng first time ko lang na-experience at na-Conquered na fear, isa itong adventure na hinding-hindi ko makakalimutan. Doon ko napatunayan na mas mahalaga ang “Journey” kesa sa mismong "Destination”, dahil kung wala kang pagdadaanan, wala kang mararating na destinasyon. Simple. :)
Pasensya na sa super late upload dahil ngayon na lang din ako naging maluwag sa schedule. (Disclaimer: all images here are owned by our photographer/my handsome friend, Amiel) © 07/02/2017 | The bravest adventure I’ve ever had, so far












