It can destroy EVERYTHING.
Nakakasira ng relasyon, pagkakaibigan, pamilya, lahat.
Sabi nila ang pangit daw pag nasobrahan ka na ng Pride. Tipong yung ibang tao pa ang magpapakumbaba para sayo, sila pa ang sasagad ng Pride nila para sayo, hahabaan pa ang pasensya nila PARA SAYO. Eh? Wala na bang natira para sakanila? Hindi mo rin ba itatry magpakumbaba, isagad ang pride, at habaan ang pasensya para naman sakanila?
Pero sa totoo lang, medyo mahirap din pag ikaw ang nasa kalagayan ng isang mapride na tao, minsan naman hindi rin kaya masaya sa part nila, mahirap. Nagsasalita na ng masama pag nakatalikod sila, maraming nagagalit sakanila. Mahirap din maging mapride, minsan gusto mo na rin itry na isagad yang PRIDE na yan, pero feeling mo may pinanghahawakan ka, may pinaninindigan ka, pero diba kahit ano pa man yun mali pa rin? Pero wala namang taong perpekto, kaya naman siguro nilang dumating sa puntong baguhin ang mga mali nila, ok lang naman silang husgahan pero hindi naman kailangang sobra.
Hayaan mong matutunan nila ang aral, ang aral para mas maging mabuting tao. Parang ako, nakayanan ko naman sigurong magbago kahit papaano. A H W :')