Finally, after ng mahabang panahon ko sa pagtutumblr, sa tingin ko ngayon lang ako makakapagpost ng matino something about myself. I think 6years na ata akong member sa tumblr but as i look back at my old posts, well, nevermind. Haha. (puro emosyon) Well intentionally, kaya ko naman ginawa talaga itong account na ito ay para mailabas ko yung mga nararamdaman ko na hindi pwedeng ipost sa facebook. Haha.
So this would be the start of my blog about my journey sa pagiging best woman at tinawag ko itong “Project Ruth” (Ruth is a woman of noble character) nagsimula ang idea na ito sa pagbabasa ko ng book na How to Mend a Broken Heart by Nelson Dy (Sobrang ganda nito) during that time, sobrang sakit ng nararamdaman ko na dumating sa point na ayaw ko nang idilat mata ko dahil alam kong isang araw ko nanamang paglalabanan yung heartache na nararamdaman ko. But thank you ng sobra kay Lord dahil sa painful experience ng author na ito, marami akong natutunan at sobrang laki ng naitulong nito sa akin. At ngayon, unti unti nakong gumagaling by the grace of God. <3
So, this project ay hindi ko gagawin because i have to, but because i want to. I learned that in order to find the best man, dapat maging the best muna ako. And nagarrive ang idea na ito! Tadaaa! :D pero hindi ko iaaim maging the best woman para kay the best man ha. Gusto ko itong gawin dahil gusto kong iglorify si Lord sa buhay ko. Gusto kong maging mas better person pa than before dahil eto ang plano ng Lord sa buhay ko. Towards excellence! :)