Hopefully he's neither amoral nor incompetent
seen from China
seen from India
seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from Mexico
seen from Switzerland
seen from Malaysia

seen from Russia

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from China

seen from Singapore

seen from France

seen from United States
seen from Spain

seen from Singapore
seen from Türkiye

seen from United States

seen from Singapore
Hopefully he's neither amoral nor incompetent
Kasama si Tiko
ni Merylle M. Santiago
HINGAL na hingal kaming nagtungo ni Tiko sa kadulu-duluhan ng isang purok sa Barangay Pino. Mahigit tatlong minuto na kaming tumatakbo dahil sa mga naka-asul na humahabol sa amin. Mabuti na lang ay mahahaba’t mabibilis ang aming mga biyas gaya ng isang kabayo kaya’t ‘di kami naaabutan ng mga ito.
Si Tiko na ang naging kaibigan ko mula pagkabata. Siya ang aking kasa-kasama sa hirap man o ginhawa. Ay mali, siya ang aking kasa-kasama sa hirap man o walang ginahawa, dahil kailanma’y hindi kami nakaranas ng kahit kaunting ginhawa sa buhay.
Mula pagkabata ay namulat na kami sa ganitong gawain. Gigising ng umaga upang malaki ang tsansang makapanlinlang, makapandarambong, makapandaya at makanakaw.
Matapos naming lakbayin ang pasikut-sikot na daan sa barangay, nagpahinga kami sa isang gilid at nilabas ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa amin. Aming dala-dala ang sari-saring luho ng mga taong hindi nag-iingat. Ilan sa aming nakalap ay tatlong alahas, dalawang kalupi na may lamang kwarta at isang mamahaling telepono.
Abot tainga ang ngiti ni Tiko sa araw na ito. Lahat ng hirap, plano, pawis at pagod ay nasuklian ng higit pa sa aming inaakala. Kumpara kasi kahapon at no’ng mga nakaraang araw, dumoble ang aming kinita ngayon.
Hanap, sundan, buksan, dukutan at takbuhan –‘yan ang siklo ng gawain namin araw-araw.
Hindi kami batang nakikipaghabulan lamang sapagkat hindi langit ang aming patutunguhan.
Hindi kami basketbolista sapagkat hindi bola ang aming pinagpapasa-pasahan.
Hindi kami gwardya na mahilig magsundot at mangalkal sa gamit ng sinuman sapagkat ang pagkalkal namin ay ‘di nila nalalaman.
Hindi kami kusinero sapagkat hindi sa pagkain namin ginagamit ang kutsilyo.
Hindi kami mangingisda sapagkat ang sinusungkit nami’y hindi isda at hindi sa dagat makikita.
Kami ang ilan sa simpleng mamamayan na may pangarap guminhawa ang buhay. Pangarap naming makaapak sa batong kumikinang, makaraan sa dingding na kumikintab, makatira sa may bubong at may malalaking ilaw, at higit sa lahat, kayamanang hindi makikita sa iba kundi sa sariling bulsa.
Ngunit lahat ng ito’y pangarap na lamang. Kami ay ‘di na umaasa kung kaya’t nagagawa naming manlamang sa iba kahit ‘di tama. Hindi na namin iniisip kung ano’ng kahihinatnan o magiging bunga ng lahat. Ang importante’y makaraos sa dilim ng araw.
Dahil marami ang aming nalikom ngayong araw, ang dating noodles na hapunan ay nauwi sa tapsilogan.
Napadpad kami ni Tiko sa Tapsihan ni Aling Puring kung saan may libreng nood sa telebisyon. Aming nasaksihan ang mga pulitikong nangangampanya kung saan-saan. Sa aming panonood, biglang may pumasok sa aking isipan.
Sana pala, isa na lang akong pulitiko. Siguro kung naging isa ‘kong kagawad, kapitan, konsehal, mayor, senador o presidente, mayaman na ‘ko at ‘di ko na kailangang magnakaw.
Pero nagkamali ako.
Matapos kong isubo ang isang kutsara ng sinangag na may mainit na tapa, biglang lumitaw sa telebisyon ang kaso ng korupsyon ng mga pulitiko sa bansa.
Muli akong napaisip. Ang pulitiko pala ay gaya lang namin ni Tiko –mga magnanakaw. Kahit mayroon na silang sapat na salapi at kinikita, nagagawa pa rin nila ang mga bagay na ginagawa ng simpleng mamamayan na walang wala.
Photo Courtesy of Google
(1) Pulitikang Galawang Showbiz
Nakita ko ang isang 4x7 na tarpaulin komersyal para sa isang essay writing contest na itatanghal sa pinakamalaking high school sa syudad. Nakakatawa kasi maliit na bahagi lang ng tarpaulin na yun ang para talaga sa impormasyon ukol sa contest. Ang malaking bahagi nito ay sakop ng nakangiting mukha ni congressman na sponsor ng contest, at ang pangalan niya sa nagsisigawan sa laki ng mga letra. Siyempre, baka ibang pangalan pa maisip niyo.
Wala naman akong problema sa paglalagay ng paalala kung sino ang may pasimuno ng mga proyekto, atbp. Kung ako nga lahat ng kopya ng mga sinusulat ko nilalagyan ko ng lagda at malalaking paalala na "ITO AY AKDA NI DOMINIC B. DAYTA". Tuwing magba-blog ako, napaparalisa ako lagi ng takot na baka may kumopya, at sila pa ang mapuri sa paghihirap ko. Ayos lang sana kung malas lang ang dadalhin ng akda, ‘ba e sige lang, sapuhin niyo lang kaysa ako pa.
Ang 'di ko lang maintindihan e bakit kailangan ipilit ang mukha ni congressman doon, at ganon pa kalaki! Hindi ba pangalan niya naman ang pinupundar niya? Hindi naman idodrowing ng mga botante ang mukha niya sa balota pagsapit ng eleksyon. Si Bob Ong nga, pangalan lang at walang mukha, pero pustahan tayo, pag 'yan tumakbong pulitiko simula't sapul siya ang mangunguna, sa headlines, sa surveys, sa mismong eleksyon.
Isa pa, bakit ganoon kalaki? Kung naisip lang sana ni congressman at ng mga planners niya na kung liliitan lang nila ang mukha nito sa tarpaulin (o tinanggal na lang nang tuluyan) e makakatipid pa sila! Mula sa pagkalaki-laking 4x7 e 2x3 na lang ang babayaran nila: yun lang naman ang nasakop na espasyo ng mismong contest details. Kung gusto talaga ni mayor na sumikat ang mukha niya, makipag-kopongan siya sa mga manufacturer ng beauty creams, o kaya naman e mag-print siya ng wallet sized pictures niya at ipamigay sa lansangan. Mas madali pa siyang makakapagpasikat. Bakit nga ba pinapasikat niya ang mukha niya? Showbiz ba ang sunod niyang aatakihin? 'Di ba't baliktad? Mga taga-showbiz ang sumusubok sa pulitika, kahit isang salita man lang sa konstitusyon e 'di pa nila nasisilayan, kahit scan lang? Ewan. Problema sa'ting mga Pilipino, mahilig tayo sa celebrity.
Photo by Jez C Self
Pabango ni Merylle M. Santiago
Mga salita niyong mabubulaklak Mga bibig niyong putak nang putak Mga pangakong ‘di naman natutupad Mga kilos niyo nama’y napakakupad
Para sa tao’t para sa bayan Para sa mahihirap na mamamayan Para sa bata’t matatanda Para sa magsasaka’t mangingisda
Kailan nga ba ang tunay na pagbabago Na parating winiwika ng isang pulitiko? Saan, kalian, kanino’t paano? Ang pangalan nila’y binudburan ng pabango
Bumaha nanaman ng mga pako Dahil sa mga suntok sa buwang pangako Ang halimuyak nila nawa’y maglaho At bango nila’y bumulusok at bumaho
Kapit sa mahirap
Kung first time mong botante kagaya ko mas mainam na basahin mo muna ito baka sakaling may maitulong ito sayo o sa mga kakilala mo na mahirap ang buhay na nadadala sa mga advertisement ng mga pulitiko sa telebisyon.
Napapansin ko na dumarami na naman ang mga pulitiko na nagpapansin at gustong kumandidato sa elekyon. Hindi ko naman nilalahat pero naglalabasan na naman ang mga pulitikong kinikuha ang loob ng mga tao sa paraan ng pagtulong sa mahihirap gamit ang pagpapalabas ng kanilang patalastas sa telebisyon. Talagang ginagamit ang mga mahihirap para lang makuha ang boto ng nakararaming mamamayan. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang mga advertisement ng mga pulitiko dahil ngayong taon pa lang ako nakapagparehistro para makaboto.
Nakakaaliw pakinggan at panoorin ang patalastas ng mga politiko lalo na kapag mga musmos na mga bata ang kumakanta. O kayay mga taong mahihirap na binibigyan daw ng pag asang makaahon sa hirap kapag sila ay napaupo na sa pwesto.
Habang nanunuod ako ng TV kahapon ay nagpatalastas ang isang pulitko na puro mahihirap ang kasama.Minsan kaya ay natatanong nyo din sa sarili nyo kung bakit lagi na lang ginagamit ng mga pulitiko sa mga patalastas ay mahihirap?
Base sa aking sariling opinyon. Ang napapansin ko kasi dito sa pilipinas ay emotional voting ang ginagamit at hindi matinong pagboto.
Alam nyo ba kung bakit importante ang emotional voting dito sa ating bansa?Napakaimportante ng emotional voting sapagkat mas marami ang mahihirap dito sa pilipinas. Kapag ang isang pulitiko ay nangako na gagawa ng paraan para malutas ang problema ng kahirapan ay makikinig kaagad ang mga nangangailangan ng solusyon. At ang kauna-unahang nangangailangan ng solusyon ay ang mga mahihirap na kung saan sila ang kinakapitan ng ilang pulitiko para manalo sa eleksyon.
Kung may kaibigan ka, magulang o kamag anak na hirap na hirap pagkasyahin ang kinikita dahil kumikita lamang ng 250 hanggang 300 pesos sa isang araw o sabihin na nating isang kahig isang tuka ang pamumuhay dito sa ating bansa. Ang mga taong iyan ang makikinig sa mga pulitiko na nangangako na gagawa sila ng paraan para makaahon sa kahirapan ang mahihirap.
Base sa mga napapanood kong avertisement ng ilang pulitiko sa telebisyon.Nagkakaroon ng pag-asa ang mga tao sa squatter area kapag dumadating ang mga pulitiko. Nakikipagkamayan sabay ngiti hanggang tenga, bubuhatin ang madudungis na bata, pinupulot ang mga basura, naglalakad sa maputik na daan, kumakain sa carinderia at kung ano ano pang paraan para mapalapit sa kanila ang loob ng mga mahihirap na nanonood ng kanilang patalastas.Mga paraan ito ng ilang mga pulitiko para lang makamit ang posisyon na gusto nilang makuha sa gobyerno.
Sa tingin nyo ba kapag ang isang pulitiko ay ginawang topic o ginawang patalastas sa telebisyon ang tungkol sa anti- terrorism, West Philippine Sea o human trafficking ay makikinig ang mahihirap? Maaaring may mga makinig na ilang mahihirap pero mas pipiliin nila yung mga politikong ang topic ay tungkol sa mahihirap o pagtulong sa mahihirap.
May ilang mahihirap na mas gusto nilang pakinggan kung paano makakakuha ng kakainin sa araw araw, pamasahe ng mga anak para makapag-aral, pambayad sa upa ng bahay, pang installment sa tuition fee ng anak, o huwag payagan na gibain ng demolition team ang kanilang lugar.
Bawal man sa pangangampanya, pero alam natin nangyayari ito na kung bigyan ng mga pulitiko ang mga nangangailangan ay agad binibigyan lalo na kapag malapit na ang botohan. Magkakaroon ng paniniwala ang ibang mahihirap na mas marami pang biyaya ang darating kapag nahalal na ang pulitikong nagbigay. Pero ang ilang mga pulitiko ay sa una lang magaling. Kapag nakaupo na sila ay para bang hindi naging parte ang mahihirap sa kung anong nakamit nilang posisyon sa pamahalaan. Masaya na ang ibang mahihirap kapag nakatanggap ng libreng supot ng pansit, kaunting bigas at pakete ng juice. Nakakagaan naman ng loob para sa mga magulang kapag may bigay na laruan sa kanilang mga anak. Matutuwa naman ang mga kabataan kung may pinatayong basketball court o billiaran sa kanilang barangay. Ang iba nga eh sumasayaw pa at kumakanta para lang magpapansin. Kaya kapag nakuha ng pulitiko ang emosyon o loob ng isang pamilya ay makukuha na rin ang loob ng mga kapitbahay, kamag anak at baka buong barangay pa o buong lungsod.
Sa tingin nyo meron kaya sa mga pulitiko ang kayang mamuhay bilang isang mahirap sa loob ng isang buwan o kahit dalawang linggo? Kaya ba nilang tumira o mamuhay sa masikip at magulong lugar, humiga sa banig at lalamukin pa, kumain ng isa o dalwang beses lang sa isang araw, mangalakal, mamasada sa jeep o tricycle, maglakad dahil walang pamasahe at mangisda sa dagat kahit kainitan?
Kaya kayong mga kandidato tumigil na kayo sa mga patalastas nyong para bang dumaan talaga kayo sa hirap na buhay.
Kapag nakamit nyo na ang inyong inaasam na posisyon, malamang makalimutan nyo na ang mga taong mahihirap na silang dahilan kung bakit nandyan kayo sa posisyon nyo. Malilimutan nyo na ang mga taong pinangakuan nyo ng pagbabago sa buhay, pag aayos ng mga bukas na kanal na masangsang ang amoy, at iba pang mga isyu.
Ginagamit niyo lang ang mahihirap para makamit ang posisyong inaasam asam nyo sa gobyerno.
Hindi ko naman sinasabi na ang lahat na mahihirap ay hindi marunong pumili ng iboboto. May mga mahihirap na hindi lang binabase kung nakita ang kandidato sa barangay nila at nagpakita ng kagandahan ng loob sa kanila o nakita lang ang mukha sa tarpaulin.
Ang mga mahihirap na ito ay alam na ang mga pulitiko ay parang multo na nagpaparamdam lang kung malapit na ang eleksyon.Alam nila na kapag nagpadala sila sa pagiging mabait ng ilang pulitiko bago magbotohan eh pagsisisihan nila ang kanilang pagkakamali sa loob ng ilang taon.
Eh yung pulitikong namimigay daw ng cake sa mga nag bibirthday na matatanda sa kanilang lugar eh pinagkakakitaan din pala, nagpapagawa ng mga building na sobra ang budjet tapos sa kanila papasok yung sobra. Alam naman nila na galing sa taumbayan yung mga ginagamit nilang pera. Hindi na naawa eh!
Mainam na kilalanin muna natin ng ayos ang bawat pulitiko. Hindi ibig sabihin na maraming patalastas sa TV tungkol sa pagtulong sa mahihirap eh yun na ang iboboto nyo. Maging masiyasat at magdesisyon ng tama para sa sistemang tama.
Paano nga ba?
Paano tayo makakasiguro sa mga pulitiko. Kung ramdam naman natin na pinaplastik lang tayo ng mga ito. Dahil dun, maiisip ng ibang botante na hindi nalang bumoto.
Ano ang tawag kapag nagtapon ng basura sa dagat? Pollution!
Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Solution! ▬ Sen. Miriam
Choose Well. Vote Wisely.
Iboto ang karapat dapat na magiging senador sa senado. Wag tayong magpadala sa mga kasinungalingan ng kandidato. Kilatisin ng mabuti upang makamit natin ang inaasahang pagbabago sa ikakaunlad ng ating bansang Pilipinas. Wag tayong pumayag sa Vote Buying dahil kung sila man ang mananalo babawiin din nila yan kapag sila ang nakaupo. Naku !!! Maging matapang sa pagboto. Wag tayong matakot. Hindi naman nila makikita kung sino ang ating iboboto. DO THE RIGHT WAY NOT THE EASY WAY.