Nakadikit na ang dumi sa iyong katawan, nakaukit na rin ito sa iyong nangingitim na mga buto; Wala ka nang takas. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Sa umaga ay tanging kanin lamang ang panlaman sa tiyan para mabigyang sustansya ang katawang maghapong magtratrabaho; Walang ulam, walang tubig. Tanging kanin lamang. Sa tanghali ay tinitiis ang init, hindi pinapasin ang pawis na naglumatak na sa iyong buong matawan at pilit na sinasantabi ang tiyan na walang laman at ang bitukang unti-unti nang magsasara. Sa gabi ay binibilang ang mga inipong pera sa paglalako ng mga paninda sa ilalim ng araw; bibili ng pagkain na para sa siyam na tao sa halagang isang raan. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Ang buhay ay napaka-ilap para sa mga katulad mo, malupit ang mundo para sa mga sawing palad na maging mahirap. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Walang karangalan na naghihintay; Walang bukas na sasalubungin; Walang pangarap na tinutupad. Walang dasal bukod sa suwerteng maligaw. Walang hiling kundi makakain Walang ambisyon bukod sa pagkain ng litson “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Ang mundo ay para sa mga mayayaman. Ang paghinga ay para sa pera. Ang pagkayod ay para sa mga mahihirap. Ang mundo ay para sa mga mayayaman. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Sa umaga ay walang flag raising nahahabolin. Sa tanghali ay walang pag-aaralan. Sa gabi ay walang pagkukwentohan. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. Dilat ang iyong mga mata; pumapasok ang hangin sa iyong ilong; pumipintig ang iyong puso; gumagalaw ang iyong mga kamay; mainit ang iyong katawan; pero matagal nang nakabaon ang kaluluwa mo sa lupa. Nakadikit na ang dumi sa iyong katawan, nakaukit na rin ito sa iyong nangingitim na mga buto; Wala ka nang takas. “Pobre” ang nakasulat sa iyong noo. “Pobre” rin ang isusulat nila sa kabaong mo. —Ang Mahihirap sa Mundo; Chris












