ISSUES & CONCERNS AT DELINQUENT SUPPLIERS NG SJDH
Sa legislative inquiry on public health services na isinagawa ng Occidental Mindoro Sangguniang Panlalawigan, inilatag ni BM Kendi Villaroza ang mga issues and concerns patungkol sa San Jose District Hospital (SJDH) na resulta ng kanyang sariling observation.
Samantala, inungkat naman ni BM Coco Mendiola kung sino ang deliquent suppliers ng nasabing ospital na nagiging dahilan upang hindi magawa ng mga hospital personnel ang kanilang trabaho sa kawalan ng gamit o supplies. Nais din niya na papanagutin o i-ban na ang mga delinquent suppliers.
Malinaw sa direksyon ng isinasagawang legislative inquiry ay matulungan ang public health service sector na masolusyunan ang kanilang mga suliranin at hindi para ipahiya o kastiguhin ang pamunuan ng mga ospital.
Ang inquiry ay sa pangunguna ni BM Ryan Sioson bilang Chairman ng Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan.
PUNTO MINDORO NEWS CHANNEL