baka naman nananaginip lang tayo

seen from India

seen from Singapore
seen from United States
seen from China
seen from France

seen from United States
seen from Netherlands
seen from United States
seen from China

seen from India
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from China
seen from United States

seen from United States

seen from Japan
seen from China
seen from China
seen from China
baka naman nananaginip lang tayo
Q and A for quarantine reklamo
Minsan na lang ako magpost sa FB kase nga sabe ko, toxic. Sa personal, makikita mo yung ilan na parang laging ansaya ng buhay walang problema so may sandaling anxiety attacks at undue comparison. Wag nalang. Politically, ganun din. Daming bulag-bulagan, galing-galingan, galit-galitan. Pag naresibuhan, ayun na, ibang klaseng attack na rin. Nagsimula nung eleksyon nanalo si Papa Digs, may mga nakasagutang kamag-anak, kaya in the principle of ahimsa ni Gandhi but more importantly sa turo ni Lord na vengeance is not ours, ayan nanahimik na tayo. Less posts, minsanan tapos less rebuttals nalang muna. Pero siguro pansamantalang babasagin ang munting katahimikan baka sakaling may makinig.
***
Ano bang ganap? Daming nagagalit ke Papa Digs dahil may shoot to kill orders nanaman sya at reckless statements that further sow confusion than calm an already anxious public. Maraming tanong, subukan nating sagutin.
Tama ba yung lockdown (in our case enhanced community quarantine o ECQ)? Yes, recent studies already show (see Ferguson et al Imperial College COVID 19 response; CORE Econ paper COVID-19 reponse) na important policy ang quarantine para mas kaunti ang mga taong maaaring maexpose sa virus. Ito yung sinasabing “flatten the curve.” But also, mahalaga ito para hindi overwhelmed ang ating healthcare system na talagang mahina na in the first place (truth yan wag nyo na ako awayin jan).
So baket nagagalit o nagrereklamo kayo? Walang problema sa quarantine. Ang issue natin ay sa kung paano ito ipinapatupad ang pamahalaan. Walang kongkretong plano kelan tatagal ito, paano susuportahan ang more than 12.8M population ng Metro Manila in case lumampas ng isang buwan, paano babalik sa normal ang work at operations ng ekonomiya, at paano natin maeensure na safe pa rin ang ating mga medical frontliners (doctors, nurses at med staff) dahil prolonged exposure na sila sa virus. Pero kung di ka pa nagagalit dun kase nagtitiwala ka kay Papa Digs at BG na kaya nila to, hindi ko alam san mo hinuhugot yan. San pa ba kami nagagalit, ako personally? Ah, kase may mga pulis at militar na mapagsamantala. Biglang nanghahampas kahit may quarantine pass; nananampal ng babae o bata kase nagpapaliwanag pa; at nanakit ng mga taong alam nilang gutom na. Sabe nila pasaway. Ang tingin ko dun, gutom na hindi alam ang gagawin ang iniisip nalang ay magsurvive. Kapag ang choice ng tao ay sa pagitan ng gutom o sakit, tingin mo choice pa ba yung matatawag?
Baket ba gustong gusto nyo si Vico e pogi lang naman siya? Totoo naman. Mahal ko na nga yun e. Char. Suporta tayo sa ginagawa nya kase pinapakita nya ano ba talaga ang trabaho ng isang lokal na pamahalaan. Sa apat na taong exposed ako sa ginagawa ng LGUs lalo na cities, nakita na natin ang galawan nila. Mabibilang sa kamay ang mga mayor na may malasakit at iniisip talagang mailapit ang serbisyo sa kanyang nasasakupan. Pinuna ang palengke sa Pasig na dikit dikit pa rin ang mga tao? Edi mobile palengke. Di makarating ang mga healthworker at frontliners sa trabaho kase di lahat may kotse? Una tricycle, pero sumunod sa utos sa taas to cooperate kaya pinahiram ang public bikes, tapos may libreng hatid pa sa iba. Di naman bago yung ginagawa nya, ang nakakatuwa lang e for the first time, kitang kita nating di lang papogi dapat ang mayor. Dapat poging may ambag at nagagawang tama. Yan ang tunay na tapang at malasakit.
Paano naman si Yorme, baket di niyo siya pinapansin? Uy may nagawang tama si Yorme -- suspended agad classes nung March 9 palang para iwas agad sa virus ang mga bagets; may relief ops una agad sa depressed communities ng Maynila; regular disinfecting ng siyudad; at PPEs para sa mga ospital sa lungsod. Napapansin siya. Wag kayong ano. Pero pag may mali, pupunahin din. Pwede bang wag ka na magreklamo, respeto nalang sa government? Pwede naman. Pero magagawa ko lang yun kung tama at sapat ang ginagawa ng pamahalaan. Kaso hindi. Nagrereklamo ako hindi dahil lang trip ko, kundi nakikita kong may dapat baguhin, dapat iimprove, dapat ayusin. Tama namang cooperation and unity is key. Pero it should be effectively balanced with critical thinking. Di naman tayo blind followers diba? Sa paaralan, di ka matututo kung di ka magtatanong sa guro (critical), pero wala ring papasok sa utak mo kung di ka mag-aaral individually (cooperative). Parehas yan sa pamamahala. Kailangan yan lalo.
Pag bulag-bulagan tayo jan, iisipin ng mga nakaupo na “ok lang wala naman silang pake kahit itlog at saging lang ibigay ko. Boboto pa rin ako nyan.” Or babalik nalang ako sa Kap’s Amazing Stories at sasayaw ng budots kahit nagnakaw ako ng bilyones, kase mapapasaya ko naman mga tao. Wala tayong unlad. Pero kung pupunahin at mapapansin nila tulad nung nangyaring pagpalit bigla sa head ng RITM, binalik rin dahil sa public backlash. May accountability kumbaga. We can be both critical and cooperative at the same time.
Reklamo ka nang reklamo, may naitulong o ambag ka ba? O dahil favorite nyo yang linya “tumulong nalang kayo kesa magreklamo,” marami na akong natulungan so makinig na. Char. Hindi lisensya o requirement ang ambag para magreklamo ka sa pamahalaan, the same way na hindi lang taxpayers or voters ang pwedeng magreklamo. Kapag ganyan edi mayaman, nakapag-aral, at may formal work lang ang pwede magsalita. While there is a rule of majority in a democracy, the minority still has to be listened too dahil valuable pa rin ang kanilang demands.
E diba Christian ka, sabe submit to authorities at wag kang ebas ng ebas jan? Again true. Maraming Bible verses tungkol jan (Romans 13:3-7, Titus 3:1-3, I Peter 2:17-18). Kaya nga sumusunod tayo sa quarantine, nagfeface mask at naghuhugas ng kamay, at tumutulong sa frontliners because we “submit to authorities.” Pero submission does not equate to blind following. Balanse yan dapat sa principle “to act justly and to love mercy and to walk humbly with your God. (Micah 6:8)” Isa pang check jan ang compassion to the poor at evaluating if the same would be done by Christ. Yung mga Pharisees at Sadduccees nga sobrang masunurin sa government at that time at sa laws of Moses, pero binembang pa rin sila ni Jesus. “So obey everything they teach you, but don’t do as they do. After all, they say one thing and do something else (Matthew 23:3).” So paano? Balanseng pagtingin. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magalit sa pamahalaan, pero hindi rin sa lahat ng oras e tama ang ginagawa ng pamahalaan. Human government yan so prone to errors, so wag diyosin. Pag di mo sinabi kay teacher na mali yung formula na ginamit niya kahit pa may PhD yan, tingin mo may unlad ka? Wala. Same with governance.
Wala nang magiging matinong Pangulo o lider ang bansa pag lagi tayong ganyan. Wala naman talaga so far, mabibilang sa kamay yung matino. And the coronavirus pandemic shows this vividly by highlighting the socio-economic ills na matagal na nating idinadaing. So paano? Magiging matino yan pag nakita nilang totoong binabantayan ng mga tao ang kanilang ginagawa. Always demand accountability from the government, si Papa Digs man yan o hindi. Tapusin na natin: “When the righteous are in authority, the people rejoice; but when a wicked man rules, the people groan (Proverbs 29:2).”
Yung pagod na pagod ka na tapos di mo alam kung anong dahilan. Basta pagod ka lang. Hindi physically, di rin emotionally. Basta. 😭
#reklamo (at San Jose St. Las Pinas) https://www.instagram.com/p/CfDvP64A83z/?igshid=NGJjMDIxMWI=
Pilipinas, kilala pa ba kita?
#reklamo (at SPDA D.O.S. Maguindanao) https://www.instagram.com/p/B_bTYNNpgJt/?igshid=ieze4hjj1o3j
Pasinin niyo naman nawa ako sa mga panahong malapit na ako magbreakdown.
Tangina neto. Hahaha. Kamukha ni andrei yung ka tinder ko dahil sa buhok. Ashshhsk. Nakaka turn on talaga yung mga buhok na ganito :-( sana all.