Habang papalapit dito sa Bulacan ang epekto ng bagyong Uwan ay di ko maiwasang hindi mag alala. Naalala ko kasi dati ang naging epekto ni super typhoon Rosing back in 1996. (grabe. Ang tagal at ang tanda ko na. Hehe) Dahil kasi sa bagyo na yan ay nagkaroon ako ng trauma sa malakas na hangin. Ang daming nasirang bahay at madaming nabuwal na puno at poste kaya ilang linggong brownout.
Hinanap ko sa google ang track niya at napansin ko na mas malapit siya sa Bulacan kesa sa track ni super typhoon Uwan. Kahit malayo ay di pa rin dapat magpakanta at kailangan ng ibayong pag iingat para maging ligtas at buhay.
















