Ako lang ba yung umiiwas at nang hihinayang pag dumadaan sa pet shop. :(( Tipong iniiwas mo na lang yung tingin mo kahit gustong gusto mong pumasok sa loob pero di pwede dahil sa 2 dahilan. Una, wala akong pera. Pangalawa, bawal sa bahay namin na mag alaga ng kahit anong hayop na mabalahibo bukod sa fishda. Kaya nga si fishy lang alaga namin eh. Goldfish siya @ - @ malaki na siya at ang ganda ng palikpik niya. Pang sirenabels. Pak ganeeernn! Nung una 2 sila tas namatay yung isa kasi sobrang kapapakain namin. Biglang kinabukasan palutang lutang na lang siya. D': Tas yun eh nung namatay yung isa, mga 3 araw o isang linggo ko yatang paulit ulit kinukwento sa kaibigan ko na namatay siya. Tapos ewan ko ba XD Isang araw pag pasok ko sa school naisipan ng kaibigan ko na bigyan ako ng isang goldfish para di na ako malungkot. Pero yun :( namatay din yung binigay niya at dahil naman yun sa binully ni fishy yung bagong isda. Lagi silang nag aaway, ang nasa isip ko siguro dahil malaki si fishy kesa doon sa binigay na goldfish kaya inaaway niya. Hays. At dahil doon naisipan kong wag na bumili ng bagong fishda. Kaya loner muna siya ngayon at mamahalin muna daw niya ang sarili niya. Charengggg Yun!! Ayy takte nakwento ko na history ng alaga namin. 😂😂😂😂😂 Basta isda lang talaga pwede sa bahay. :( Minsan nga iniisip ko kung mag alaga kaya ako ng tuko o butiki? HAHAHAHA wala lang para kakaiba lang. Charengreng. XD












