Alam mo naman yan diba, mararamdaman mo naman yan kung mali ang relasyon na pinasok mo. Kung tingin mo obligasyon mo nalang siya, kung wala ng love, kung yung trust nyo unti-unti nang nawawala. Tingin mo ba tama pang ipagpatuloy nyo yan?
Minsan kasi pinapasok naten yung relasyon na alam naten. Hindi tatagal o hindi pang matagalan. Yung tipong, "gusto ko lang matry" yung alam mong hindi tatanggapin ng mga taong malapit sayo at mag e-end up kailangan mo isuko kasi HINDI TALAGA PWEDE. At yung relasyong na alam mong sa huli hindi talaga kayo para sa isa't isa. (usually for bisexual relationships pero di sa lahat ng birelationship.)
Eh kaso nga dahil nakasanay nyong kasama lagi yung isa't isa. Nahihirapan kayo ngayon tanggapin na darating yung "time" na magkakaroon kayo ng separate ways ng taong mahal mo. Yung kahit ikaw tanggap mo na, paano nalang siya? Paano nya matatanggap na after ng sobrang habang pinag samahan nyo eh mawawala nalang yun isa, maiiwan nalang yung isa. Mahirap tanggapin pero alam mong ayun yun destiny nyo. Na hindi talaga kayo.
Kung tingin mo eto na yung time dapat ngayon palang itigil mo na kung di mo na siya mahal ngayon palang tapusin mo na kasi nagiging obligasyon nalang siya. Obligado ka gawin yun kasi nasa relasyon ka at habang tumatagal yang relasyon lalo mo lang siya sinasaktan lalo lang siyang aasa. Wala ng love sa pag sasama nyo nasasakal mo lang siya at nasasakal ka lang nya tingin ko oras na para tapusin mo yan kasi naglolokohan nalang kayo.
Oo malamang may masasaktan at may makakasakit matik na sa relasyon yan hindi kayo manhid. May maiiwan at may mangiiwan nasa inyo na yung kung saan nyo ilulugar mga sarali nyo.