Sorry if the Filipino just sucked. There’s a reason why it’s my lowest grade on the card.
Mapagmasid si Antonio--parang hindi na yun kailngan sabihin. Kahit simpleng mantsa ng alak sa uniporme ng kanyang mga kawal ay kanyang napapansin; kaya nga siya nagbabasa ng Artikulo Uno halos tatlong beses isang araw. Halos wala talagang nakakaiwas sa kanya.
Halos mapatawa si Isabel pagkaisip nito. Tunay na lahat ay napapansin ng kanyang sinta, maliban nalang sa mga parinig ni Isabel.
Mag-iisang buwan na mula noong sinabi ni Isabel na parang masaya mag-asawa. Mag-iisang buwan na mula noong pinarating ng binibini na gusto niyng magpakasal kay Antonio.
Siyempre, hindi naman direktang sinabi. Lalaki ang dapat unang kumilos nang halata. Naasar si Isabel sa ganitong tradisyon. Ayos lang naman iyon kung hindi manhid ang lalaki, ngunit si Antonio’y manhid--sa pag-ibig.
Sana giyera nalang siya, iniisip ni Isabel kung minsan, para mapansin man lang ang mga kilos niyang hindi gaanong halata.
“Punyeta!” sigaw ni Antonio mula sa malayo. Inikot lang ni Isabel ang kanyang mga mata. Hay nako. Pumunta nalang ang binibini sa kubo ng heneral at nakita ang isang gulat na gulat na Joven. Kawawang bata, isip ni Isabel. Kahit siya hindi ligtas sa galit ni Tonio.
“Bakit mo sinigawan si Joven?” tanong ni Isabel sa heneral pagkapasok niya sa kubo. “Dinig ka hanggang sa pasukan, alam mo ba iyon?”
Tumawa si Antonio, pero halatang hindi siya natutuwa. “Nakakayamot kasi si Joven ngayon.”
“Ano ginawa niya?” tanong ulit ng dalaga. “Hindi naman ata siya katulad ng mga tamad mong kawal. Mahiyain at tahimik lang naman si Joven.”
“Yun nga ang problema!” sigaw ni Antonio. “Masyadong tahimik, kaya masyadong manhid. Kinwento sa akin kung paano niya nalaman na may gusto pala sa kanya ang gusto rin niyang babae, pero ngayon lang niya nahalata kung kailan nakasal na ang binibini. Ang manhid manhid talaga!”
Muntikan nang matawa si Isabel sa sinabi ng kanyang iniirog. “Eh baka naman kasi hindi rin pinakita ng babae na gusto rin niya si Joven. Parehong may mali sila.”
Tumawa ang heneral. “Sigurado akong malalaman ng kahit sino kapag may gustong ipahiwatig ang isang babae. Kahit ikaw baka halata rin.”
Nagulat si Isabel sa sinabi niya. Alam ba niya? “Edi ano ang aking gusto, Heneral Lunang napakagaling?”
“Ang makahanap na ako ng bagong babae para di ka na magtiis sa akin,” sagot ni Antonio habang natawa-tawa pa.
Biglang naging seryoso ang mukha ni Isabel. Tumalikod siya at mabilis na lumisan sa kampo. Grabe. Gra-be.
“Isabel!” narinig ng babae ang tawag ni Antonio, pero taas-noo pa rin siyang nagmartsa papunta sa labasan ng kampo. Di man lang siya lumingon sa sobrang galit; di niya narinig ang mabilis na pagtakbo ng heneral sa kanya. Nalaman lang siya nang siya’y yakapin ng sundalo; dinig niya ang hingal na hingal na paghinga ni Antonio.
“Patawad,” bulong ng heneral sa binibini. “Di ko alam na masasaktan ka dahil doon. Hindi ka naman karaniwang naaapektuhan ng mga birong ganyan.”
Tumingin si Isabel sa mga mata ni Antonio--hindi na siya galit na galit, pero galit pa rin. “Subukan mong ipahiwatig nang hindi halata sa isang tao na gusto niyang ikasal sa kanya tapos sabihan ng ganyan. Baka ikaw nagmura pa.”
“Isabel--”
“Heneral,” bigkas ni Isabel, at dali-dali siyang umalis sa yakap ng sundalo at lumayo.
I’m gonna stop here. Probably sucked, but I’m trying to practice on Filipino. It’s rusty as f.
just a reminder for anyone who’s reblogging my fics: please don’t tag them with the [hen] eral luna tag. you can use heneral moon (i believe the fandom consensus is that this is where fanworks go? as well as shitposts and general fandom activity) or just use the ship name. sure, they still might come up in a [hen] eral luna search, but the algorithm shouldn’t place them too high up.
[Mabinaldo + Pacoluna + Sabeluna (wat is their ship name??) + HL Cast, hs au]
Sa isang all-boys school. Dismissal. Nakagrupo sa grounds sina Rusca at Paco, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang iba pang mga kaibigan.
Rusca: Buhay na buhay nanaman si Tonton. [turo kay Antonio] Tignan mo o, dumaan lang si Isabel 'di na mapakali.
Paco: Pa'no, sa dinami-dami ba naman ng pwedeng ligawan, pinsan pa ni Tomas yung napili niya. Ayan, palagi tuloy may umaali-aligid, 'di maka-tsamba.
Rusca: Inggt ka 'no?
Paco: Ano? Bakit ako maiinggit? Kanino? Kay Isabel? [hindi makatingin kay Rusca] Bahala si Ton sa buhay niya, ewan.
Rusca: [tawa] Oy! Ang ibig sabihin ko inggit ka kasi wala kang girlfriend! Ano yang inggit-inggit kay Isabel na 'yan? Type mo ba si Tonton?
Dumating sina Emilio't Apolinario.
Apolinario: 'San na si Tonton?
Rusca: Ayun, naghahanap ng diskarte para mapa-alis si Tomas.
Emilio: Bakit? Andyan si Isabel?
Rusca: Oo. May rebelasyon pa ngang naganap eh. Etong si Paco-
Paco: ONGA PALA. Bakit ang tagal niyo?
Emilio: Sorry, natagalan yung meeting.
Rusca: Ikaw yung student president tapos ‘di mo pwedeng i-cancel ng maaga?
Emilio: Sisihin niyo si Pole. Ayaw paawat hangga't hindi tapos yung plano para sa Linggo ng Wika.
Rusca: [tawa] Oy Pole, 'di bawal mapagod.
Apolinario: [ngiti] Napapagod din naman ako, mas marami lang akong panahon mag-isip kasi hindi ko sinasayang yung oras ko kakahabol sa mga babae, tulad niyo.
Rusca: Oy hindi ah! At least, hindi naman puro babae. Si Paco ang habol niya-
Paco: May natira pala doon sa ensaymadang baon ko. [pilitang subo kay Rusca] P're, sa 'yo na lang o.
Emilio: [pinapanood si Antonio] Tignan mo 'tong baliw na 'to. Pati si Jose dinamay niya.
Apolinario: Ano 'yun? Ticket?
Emilio: Sa piano recital 'ata nung girlfriend niya. Parang nakita ko binigyan niya din si Juan kanina.
Apolinario: Uy! Kumagat si Tomas. Seryoso, gusto niyang manood ng piano recital?
Emilio: [tawa] Bakit hindi kakagat si Tomas? Sa all-girls kaya yung recital.
Apolinario: Di ba close din kayo ni Jose? Bakit 'di ka sumama?
Rusca: [sa wakas, nalunok ang ensaymada] Onga? Sayang, daming magaganda dun, sigurado.
Emilio: Bakit pa ako maghahanap sa all-girls kung may First Lady na ako? [tingin kay Apolinario]
Natawa si Rusca at Paco.
Apolinario: [ngiti] VP mo ako, baliw.
Emilio: Yun nga yung gusto ko sa atin eh, dynasty na nga, love team pa.
Apolinario: [mas malaking ngiti] Kung gumagalaw lang yung paa ko, kanina pa kita sinipa.
Emilio: Gumagalaw naman yung bibig mo eh. Yun na lang yung gamitin mong pang-sipa sa akin. Sa mukha.
Apolinario: [namula] Ikaw... [naghahanap ng sasabihin] Lahat na lang ng tao...
Emilio: Hindi naman, sa'yo lang. Ang cute mo kasi mag-react.
Apolinario: [lalong namula]
Paco: Okay, okay, awat na! Matatapos na yung pupuntahan nating movie.
Rusca: Onga, awat na. Nasasaktan si Paco kasi naiinggit siya sa inyo.
Apolinario: [kay Rusca] Anong naiinggit? Bakit? [kay Paco] May nililigawan ka na rin ba?
Paco: [kay Rusca] Sige, sagutin mo, hindi kita ililibre ng popcorn.
Rusca: Walaaaaa. Si Paco? Naiinggit? Hindeeeeeee.