Pwede bang mayakap ka naman kahit saglit?
Kahit gaano pa to kapilit
Para mabawasan ang sakit
Paano bang sumaya ulit?
Gusto ko lang malaman kung san nagkalabuan
San na naman ba ako nagkulang
Di na ba pwedeng magbalikan?
Kahit isang araw man lang
Sabihin mong "Mahal parin kita",
"Di ko kayang wala ka"
Huling beses magmamakaawa
Nagmumukha na ngang tanga
Tama na
Di na magpapa-isang tabi
Gabi gabi nalang humihikbi
Uunahin na ang sarili
Para ako'y sumaya muli
Ayoko na
Ilang taon naring naghihintay
Inisip na kita buong buhay
Bibitawan na ang iyong kamay
Hiling ko lang ako'y masasanay
Sasabihin kong "paalam na"
"Kakayaning wala ka"
Hindi na 'ko magtatagal pa
Sarili mas mahalaga
Huwag ka ng lumapit
Para mahigpitan ang kapit
Hindi ko na kaya
Magpapalaya na
Hindi ko na kaya
Magpapalaya na
Ako'y malaya na
Kinaya kong wala ka
Hindi na'ko umaasa pa
Natutong magpahalaga
Pero pwede bang mayakap ka naman kahit saglit?
Saglit.