He lost.
seen from China

seen from Germany
seen from Germany
seen from United States
seen from Maldives
seen from Bulgaria
seen from Poland
seen from Denmark
seen from China

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from China
seen from Germany

seen from Germany
seen from Germany
seen from Japan
seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from Spain

seen from France
He lost.
Salagubang
Mag-ingay, bawat kalamnang nagpapatakbo ng pakpak at Ihampas sa hangin ang bawat damdamin. Salagubang, singkulay Ng pagkakakilanlan ang aking bawat pagtibok, ang kaitiman Ng iyong kalasag ay ang kaitiman ng kanyang buhok. Tinig na matagumpay Sa pagitan ng bawat linyang nilukot. Salagubang ng lumbay, May tiyempo ang tuwinang pagaspas, may ganap na indak, May lihim na sayaw. Paikot nang paikot hanggang sa mahilo at Magmakaawang tumigil ka na, na magkakulay ka na, Sintingkad ng balat ng dalaga; sing-init ng apoy sa kanyang saya, Tunawin ang bawat maskara gamit ang hindi na kailanman malamyang Pananalita at pangungusap na tila punyal, o, salagubang ng pagpapanggap.
Ang paggapang, ang bawat talim sa pagitan ng balahibo't tinik— Panulat, sumimple ka lang sa pagsakal, sa paggapang sa hangin, Sa liham na maaring pagtatapat o pagpapatiwakal. May pakpak pa rin ang damdamin, salagubang ng mumunting lipad. Banayad na naman ang hangin na hatid ng mala-pelikulang gabi sa saliw Ng mga kuliglig at guni-guni, ang tiyempo mo na lamang ang kulang; Salagubang, ako'y nangungulila sa kanya. Pakihatid ang aking Mga salita. Pakibulong, salagubang, sa kanyang mga tainga, na siya'y Itinatangi. Itinatanggi.
Salagubang, mag-ingay ang bawat tadyang. Kuntento na ako sa mga Pangakong sa ulap at araw ay naipon na lang; hindi naman na natin Maaabot iyan. Ang bawat kwerdas na nahimlay sa bawat luntiang damo Ay naghihintay. Sadyang mailap ang tulog sa mga tulad natin, salagubang, Kung saan may puwang, kung saan may puwang. Pumarito ka na, sinta, At umuwi na sa'king piling, kung naririnig mo man. Samantala, Halina muna sa damuhan, salagubang, halina muna sa kawalan.
— A. P.
Sit sirit sit, alibangbang... #salagubang #beetle #atm #staycation (at San Pedro, Laguna) https://www.instagram.com/p/B6kGATvlGZR/?igshid=337mv08j8jq1
I read there's thunderstorm in some places in the Philippines today. (The sound of #salagubang on the background) (at San Jose, Batangas) https://www.instagram.com/p/BycDKZ9hVIB/?igshid=l0orqrmvc3hh
Yung #cat #pusa na naka-pulot ng #salagubang #bettle , ayun busy sila kung paano kakainin , #cats #catslife #catsofinstagram #catsoftwitter #catsoffacebook #catsofsocialmedia (at Quezon City, Philippines)
#salagubang
Sa pang-anim na kamay, abot langit ang taglay 🐞 . #Salaginto #Salagubang #MakatangHibang
Definitely not my hand 😱 #bugs #salaginto #salagubang @makokokrunch