First day ko sa college is cute. June 13 ang pasok namin but June 15 na 'ko nakapasok, it's because I was sick before ng first day and naging okay lang ako nung 15. So kung kinakabahan ako na papasok dapat ako nung 13, wed, nag-double up yung kaba ko the fact na 3rd day na nila.. dun palang ako papasok. But granted, inisip ko nalang na ok na.. kaya ko yun kahit advanced na sila sakin in a manner na, na experience na nila pumasok, may kakilala na sila and blahs. Sabay akong pumasok sa mga girlfriends ko, Aira & AJ. UE's their school, highschool darlings them. 7:00 ang start ng klase nila while my class starts ar 7:30. Nung nasa Recto gate na 'ko ng Baste.. I was like.. *parang lalagnatin sa sobrang kaba, the mainit and natatae feeling pag kinakabahan*
Pakita ng study load sa guard. Lakad. Naabutan ko pa nag f'flag ceremony yung high school. Direcho sa college building. Akyat sa 4th floor. Hinanap room 401. Pasok. Then.. "Dito ba ko? :) :)" 6 ABMC-I dudettes ang nasa classroom.. konti palang so good thing na maaga ako. Then sumagot sila, actually di ko naintindihan sagot nila.. upo nalang. Then yun na, nagdatingan na mga blockmates ko and the other na irreg. So lucky na may group na nag-approach saken though I keep smiling naman and keep introducing my self sa mga dumadating na girls. First period was, RE. ReligionEd. Bengga agad, idc. Old man na may regla ang prof. Ang aga aga, binabadtrip sarili niya, pati kame dinamay. (*Damay raises hand*Miss you damay) 2nd period was ENG 101, cool old lady prof maybe petiks here. Third subject, FIL 101, rock and roll yung prof, tuwang tuwa mga blockmates kong lalaki kasi pwede sila umepal sa klase. Namiss ko din yung may kaklaseng lalaki, yung tipong eepal ng walang katuturan pero magtatawanan pa din ang klase. 4 yrs ako sa all-girls, HS pa.. though the best naman yung ganun, namiss ko din magkaroon ng kaklaseng lalaki, yung mga pinanganak talaga ng nuknukan ng kulit. I've met friends like Lexie, ang pinakaclose ko so far, then Eghey, Anne, Nikka, Grace & them blah. They're calling me "Andi" like it's my real name, talagang consistent.. "Go, Andi!" "Andi, san ka ba pumunta?" Why Andi? Kamukha ko daw si Andi Eigennman, sabi nilaa. Pagbigyan na. Haha! 10:30, classes are over. Kain with friends. Then we went to Isetan para i-update yung pinatahing uniform ni Lexie and Eghey. Civilian pa din kaming pumapasok. Maybe next wed, makuha ko na yung pinatahi kong uniform.. pero washday ang wed,dat will be wearing college shirt. So thursday na 'ko mag uniform. Kasabay ko umuwi si Lexie. She lives somewhere in Boni, so pwede kami magsabay.