About STFAP at ang mga hinanaing ko
Kainis ha. Yung post dun sa overheard tungkol sa middle class at lower class. Dun sa bracket A at lower brackets.. So kapag bracket A wala ka ng pakialam sa mga isyu sa UP? Purke't bracket A ka, matapobre at mayabang ka na agad? Purke't 1m above ang annual ng parents mo, eh dapat sobrang taas na rin ng binabayaran mo sa eskwela?
Hindi naman namin kasalanan na sobrang taas ng nakalagay sa ITR ng mga magulang namin pero kulang na kulang pa yun sa mga bills na binabayaran. Hindi naman namin kasalanan na nasa sobrang taas ng mga bayarin namin sa bahay diba. Kulang na kulang pa nga halos lahat ng sweldo ng mga magulang ko para sa pambayad ng kung ano ano eh. Hindi ba't, kapag mas mataas ang natatanggap, mas mataas rin ang nakukuha ng iba? Hindi ba proportional yun? Mataas sweldo, mataas tax. Mataas sweldo, madaming gamit, malaking pamilya, malaking konsumo sa kuryente, maraming pagkaing dapat bilhin, maraming damit, maraming lahat?
Baka gusto niyo pa kaming sisihin dahil 3 kaming nag-aaral pa sa pamilya at yung dalawa kong kapatid eh nasa pribadong paaralan dahil ayaw namin na nasa pampubliko sila? Baka gusto niyo pang idiin samin yung maayos na bahay na binili namin dahil takot na kaming malunod sa baha at kasalukuyang binabayaran pa nga namin to? Oh baka naman gusto niyong ibenta pa yung mga laptop na binili ng tatay ko dahil hirap kami sa iisang computer lang dahil, inuulit ko, 3 kaming magkakapatid? Oh baka pati yung braces ko gusto niyo na ring tanggalin, kung sabagay pwede pa tong ipakilo diba? Baka naman pati yung iba pa naming gamit sa bahay na sinasabi niyong "pang-mayaman" eh dapat na naming itapon o ibenta para may pang-tuition ako?
Ano ba pang mga dapat kong gawin para man lang mapunta sa mababang bracket sa STFAP na yan? Hindi pa ba sapat na pumasa ka sa eskwelahan na maganda, napatunayan mo na karapat-dapat ka, para man lang makakuha ng mababang tuition dahil gusto mo rin namang tulungan yung mga magulang mong naghihirap na kakatrabaho para lang pag-aralin ka? Hindi ba isang eskwelahan na hawak ng gobyerno ang UP... Pero bakit tila mas malaki pa binayaran ko kesa sa ibang mga eskwelahan na pribado na?
Bakit sobrang nandidiri kayo sa mga Bracket A.. Eh ang gusto lang naman nila eh makapag-aral na maliit lang ang binabayaran, dahil kagaya nga ng sinabi ko, eh hawak ng pamahalaan ang paaralan natin? Bakit grabe ang pag-sstereotype niyo sa mga taong mas nakakaangat ang buhay kesa sa inyo? Bakit feeling nung mga nasa lower bracket eh sila lang yung may karapatang mag-aral dyan sa UP, kaya kung mang-alipusta ng mga mas matataas ang bracket kesa sa kanila, eh feeling nila sila lang mga pumasa ng UPCAT? Nasasaktan lang talaga ko.
Ramdam kong magiging aktibista na ko.