Un campione dentro e fuori dalla gabbia! @pedersolijr #semento #carlopedersoli #pedersoli #pedersolijr #ufc #mmar (presso Palestra Ritmo Adelante)
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from China
seen from Austria

seen from T1
seen from Sweden
seen from United States

seen from T1
seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from Germany
seen from South Africa
seen from Australia
seen from Japan
seen from Japan

seen from Taiwan
seen from United States
seen from China
Un campione dentro e fuori dalla gabbia! @pedersolijr #semento #carlopedersoli #pedersoli #pedersolijr #ufc #mmar (presso Palestra Ritmo Adelante)
(Insert ethnic group) Basic Law
Kung magkakameron ng pang bangsamoro, sana magkameron din ng "basic law" ang ibang pangkat etniko ng Pilipinas.
*Sana magkakameron din ng regional police ang bawat rehiyon. *Sana magkmeron ding pagkakakilala na: *Ang mga tagalog ang mga orihinal na nakatira sa katagalugan *Ang mga bikolano ang nakatira sa kabikolan *Ang mga waray at bisaya ang nakatira bisayas *at etc etc etc etc. *Sana magkameron din ng karapatang magkameron ang kanya-kanyang rehiyon ng pangsariling kita at gumamit ng yamang lupa't dagat; na syempre kahati padin ang buong nasyon ng Pilipinas. *Sana magkameron din ng institusyong panghukom na kikilala sa malawak na pagkakaiba-iba ng kultura ng rehiyon.
Sa gay'on, sana mabago ang sistema ng Pilipinas. Kung hindi man, wag ipasa ang BBL, hindi ito patas para sa lahat.
bawat kwadradong semento [16]
Andoon si Carlaisle sa burol ni Lauren.
Magisang nakatayo sa tapat ng minamahal. Halos hindi niya matigil ang luha sa kanyang mga mata at maraming ng tao ang nakatingin sa kanya at nagtataka.
Madami na ang nagtatanong kung kaano-ano ba ni Lauren si Carlaisle at sobra ang pagtangis nito sa pagkawala ni Lauren.
Lumapit ang mga magulang ni Lauren sa kanya at ibinigay ang mga luma at personal na gamit ni Lauren sa kanya.
Nakasilid sa isang kahon ang mga notebook at ilang mga litrato nilang dalawa.
Napag-alaman din nila na nagbigay si Carlaisle ng pulseras sa kanilang anak dahil nakaukit dito ang pangalan nilang dalawa at nakalagay din ito sa loob ng kahon.
Madaming ala-ala ang nasa loob ng kahong iyon. Nasa loob ng kahon ang mga litrato nila noong masaya sila.
Sa loob ni Carlaisle, tapos na iyon. Natuldukan na ang kasiyahang nararamdaman niya tuwing magkasama sila ni Lauren. Hindi na niya muling maibabalik ang kaligayang ito maliban sa ala-ala.
"Paalam sayo Lauren Joseph, Mahal pa din kita" Ang naghuhumiyaw na sigaw ng utak Carlaisle.
Wakas...
bawat kwadradong semento [15]
Nakaalis na ang bus pero hindi na talaga dumating si Lauren.
Nag-antay pa din ng kalahating minuto si Carlaisle, subalit ni anino ng katagpo ay hindi na nagpakita.
Sobra na din ang pag-aalala niya dahil sa nangyari. Halos malapit ng kumirot na ang ulo niya kakaisip sa kung ano na ang nangayari.
Nagsimula na siyang maglakad papunta kina Lauren at sa malayo ay nakita na niya na madaming tao sa labas ng bahay ng minamahal niya.
Nagmamadali siya sa paglapit.
Napatakbo na sya sa pagmamadali, kung gaano kabilis ang kanyang paa na tumapak sa lupa, ganon din kabilis ang pintig ng kanyang puso.
Pagdating niya sa tapat ng bahay, sinalubong siya ng mga magulang ni Lauren at luhaan.
Lumapit sila dito at sinabing hindi na kinaya ni Lauren at bumigay na ang katawan nito sa sakit. Malaki ang pagkakagulat ni Carlaisle dahil walang nababangit na kahit ano man si Lauren na patungkol sa sakit nito.
Kasabay ng pagkakasabi sa kanya ng balitang dudurog sa puso niya. Nagpasalamat ang mga magulang ni Lauren sa kanya. Napansin ng mga magulang ni Lauren ang pagbabago ng kanilang anak simula ng dumating si Carlaisle sa buhay nito. Hindi na siya masyadong malungkot at nagbababad sa pag-aaral at nagsimula na itong magsaya at tumawa. Nakuha na din tanggapin ng kanyang mga magulang ang simpleng kaligayahan ng kanilang anak, kahit alam nilang hindi ito kakaiba at hindi kumbensyunal para sa nakakarami.
Alam na din ng magulang ni Lauren na hindi na magtatagal ang buhay ng kanilang anak dahil nasabi na ito ng kanyang doktor. Itinago nila ang nakakapanlumong katotohanan sa kanilang anak at naging kapalit nito ay ang kalayaan sa kung ano man ang gustuhing gawin ng kaisaisa nilang mahal sa buhay.
Ang tanging alam lang ni Lauren ay malubha ang kanyang kalagayan at kahit anong oras ay maari siyang magkasakit muli at maospital.
Walang kamalay-malay si Lauren sa kalagayan niya. At mas lalong walang alam si Carlaisle na natulala pa din sa mga kaganapan.
bawat kwadradong semento [14]
Kakadating lang ni Carlaisle sa abangan ng Bus. Mahaba na ang pila sa bilihan ng ticket at isa doon si Carlaisle.
Nasa dulo siya ng linya at espekula niya na maabutan pa siya ni Lauren na nakapila pa din dahil sa haba ng pila.
Unti unting umusad ang pila, pakiwari niya mga limang tao na ang natapos sa harapan at ngayon ay nagigitgit na siya.
Lalo pang naging maalinsangan ang pakiramdam niya dahil suot niya ang damit na iniregalo sa kanya ni Lauren. Isa itong polo na mahaba ang manggas. Kulay abo--paboritong kulay niya.
"Carl, parang napapansin ko, wala ka masyadong polo?" tanong ni Lauren habang sarap na sarap kumain ng matamis .
"Oo nga no? Eh kasi hindi naman ako sanay sa mga ganong damit. Masyadong pormal." sagot nito.
"Ah, saka bakit parang puro kulay abo ang mga damit mo? Paborito mo bang kulay yun? Mapagmasid na tanong ni Lauren.
"Oo, yung kulay na yun, alanganing puti, alanganing itim. parang nasa pagitan lang." Pagpapaliwanag niya.
Malakas ang pagdagundong ng mikropono at napatigil ang lahat para makinig.
Nagbigay na nang paalala ang kundoktor ng bus para sa mga pasahero, malapit na itong umalis sa loob ng ilang sampung minuto.
Wala pa sa mga oras na iyon si Lauren.
Nagaalala na ng husto si Carlaisle dahil hindi pa dumadating si Lauren, ilang beses na niya itong tinawagan subalit patay ng telepono.
Nakaalis na ang Bus pero hindi na talaga dumating si Lauren. Nag-antay pa din ng kalahating minuto si Carlaisle, subalit ni anino nito ay hindi na nagpakita. Sobra na din ang pag-aalala niya dahil sa nangyari. Halos malapit ng kumirot ang ulo niya kakaisip sa kung ano na ang nangayari.
Naglakad siya papunta kila Lauren at sa malayo ay nakita na niya na madaming tao sa labas ng bahay ng minamahal niya.
Nagmamadali siya sa paglapit, halos patakbo na sya sa pagmamadali, kung gaano kabilis ang knayang paa na tumapak sa lupa, ganon din kabilis ang pintig ng kanyang puso.
Pagdating niya sa tapat ng bahay, sinalubong siya ng mga magulang ni Lauren at luhaan.
Lumapit sila dito at sinabing hindi na kinaya ni Lauren at bumigay na ang katawan nito sa sakit. Malaki ang pagkakagulat ni Carlaisle dahil walang nababangit na kahit ano man si Lauren na patungkol sa sakit nito.
Kasabay ng pagkakasabi sa kanya ng balitang dudurog sa puso niya.
Nagpasalamat ang mga magulang ni Lauren sa kanya. Napansin ng mga magulang ni Lauren ang pagbabago ng kanilang anak simula ng dumating si Carlaisle sa buhay nito. Hindi na siya masyadong malungkot at nagbababad sa pag-aaral at nagsimula na itong magsaya at tumawa. Nakuha na din tanggapin ng kanyang mga magulang ang simpleng kaligayahan ng kanilang anak, kahit alam nilang hindi ito moral o tama sa tapat ng marami.
Alam na din ng magulang ni Lauren na hindi na magtatagal ang buhay ng kanilang anak dahil nasabi na ito ng kanyang doktor. Itinago nila ang nakakapanlumong katotohanan sa kanilang anak at kaaplit nito ay ang kanyang kalayaan sa kung ano man ang gusto nitong gawin sa kanyang buhay.
Ang tanging alam lang ni Lauren ay malubha ang kanyang kalagayan at kahit anong oras ay maari siyang magkasakit muli at maospital. Walang kamalay-malay si Lauren sa kalagayan niya.
bawat kwadradong semento [13]
Inabot na ng gabi kakaantay si Carlaisle kay Lauren. Kaninang umaga lang ay kausap pa niya ito at masaya nilang pinaguusapan ang mga gagawin nila sa darating bakasyon.
Ninais nila na magpunta sa bahay ng mga magulang ni Carlaisle sa Ilocos at doon mamalagi sa bakasyon. Malawak ang lupain nila doon at makakapagpahinga sila ng husto.
Kasabay na din nito ang pagpapakilala ni Carlaisle kay Lauren sa mga magulang ng binata.
"Baka magulat nalang ang mga magulang mo kung ipakilala mo 'ko" Pagpapaalala ni Lauren.
"Hindi naman, saka wala naman silang pakialam sa buhay ko, Iniwan nga nila ako at nabuhay ng kasama ko lang ang mga tiyahin ko dito sa Manila, kaya't mauunawan nila ang desisyon ko." tugon nito.
Wala sa hinagap ni Carlaisle ang tanong ni Lauren. "Kaya pala malungkot ka."
Totoo ang sinabi nito ni Lauren.
Noong pagkabata pa lang ni Carlaisle, natuto na siyang mabuhay mag-isa. Bata pa lang siya ng iwan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang mga tiyahin sa Manila para mag-aral ito at sila naman ay magtrabaho sa probinsya. Ang nagiisang kapatid ni Carlaisle ay kasama ng kanyang mga magulang sa probinsya.
Kaya siya lumaking matapang at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit sa anong paraan dahil dito.
Matagal siyang naghahanap ng kalinga ng isang magulang. Matagal na siyang naghahanap ng kalinga ng ibang tao. Lalo na sa taong mahal niya.
"Ano tuloy tayo mamaya?" Tanong ni Lauren
"Oo, nakapagsabi na ako dito sa amin, alam naman nilang ikaw ang kasama ko." Sagot ni Lauren.
bawat kwadradong semento [12]
Ang pangyayaring iyon ang nagpatibay sa kakaiba nilang pagtitinginan.
Mapapansin na palagi silang magkasabay kumain kahit sa paaralan. Madami ang nagtataka sa kakaibang kilos ng dalawa pero hindi na lamang nila ito pinapansin. Basta ang alam nila, masaya silang magkasama.
Isang araw habang magkasama silang kumain. Tinitignan lang ni Carlaisle ang pagkain ni Lauren, sa loob niya, masayang masaya siya at kasama na niya ang taong pinakamamahal niya. At hindi na niya ito pakakawalan pa.
Sa puntong iyon ng pagkakatitig sa kanya ni Carlaisle. Napahinto si Lauren.
Tinititigan niya ng mata sa mata ang kasama. May mga mensahe silang ipinapahatid sa bawa't isa sa kanila sa tahimik na sandaling iyon.
Malamya ang mata ni Lauren, malambing na pawang nagtatanong sa kasama kung ano na ba talaga ang tawag sa relasyon nila. Mahirap bigyan ng kahulugan ang lahat para sa kanya. Kaya siya nag-aaral ng husto para maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid niya. Gusto niyang unawain ang lahat sa abot ng kanyang makakaya at tanggapin ito sa kung ano ito.
Isa siyang taong nagbabase sa mga paktwal at makatotohanang bagay. Alam na niya na ang pasakit ay isa sa mga hindi nawawalang bagay sa mundo. Alam niya na hindi niya malalaman ang kaibahan ng kasiyahan kung wala ang kalungkutan. Alam niyang balanse ang lahat.
Nagsimula ng magsalita si Lauren. "Mahal mo ba ko?"
Nagulat si Carlaisle, Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon sa kanya.
"Oo naman" ang mahina niyang tugon.
Nilakasan na ni Lauren ang kanyang loob at tinanong ang isang bagay na alam niyang mahirap tanungin.
"Alam mo naman sigurong maari mong ikasira ang nararamdaman mong 'yan sa akin."
"Alam ko... madami na ang nagtatanong kung ano daw ba ang relasyon nating dalawa pero hindi ko nalang sila pinapansin... basta ang alam ko... masaya ako kapag kasama ka." matapang niyang sagot.
Naglakas ulit ng loob si Lauren at nagtanong. "Paano kung malaman nila ang nararamdaman mo para akin?"
"Bahala na.." Mapagsugal na sagot ni Carlasile, walang katiyakan pero buong tapang.
bawat kwadradong semento [11]
Kakaiba ang pakiramdam ni Lauren pagpasok niya sa eskwelahan noong umaga. Nanghihina siya at medyo nahihilo. Matas na din ang temperatura niya at tila nilalamig.
Mainit din ang buga ng hininga niya habang nagsasalita.
Uwian na ng mapansin ni Carlaisle na mainit si Lauren. Nagduda ito ng mapansin niyang may dala itong jacket.
Hinaplos niya ang noo nito at nakumpirma na ito ay nga ay nilalagnat. Hinawakan niya ang mga gamit nito at inalalayan niyang umupo muna at magpahinga.
Nararamdaman niyang nanghihina na ang kasama dahil napahilig na ang ulo nito sa kanyang balikat.
Malamang ay nillalamig na din ito dahil hapon na at malamig na ang hangin.
Hinayaan nalang ni Carlaisle ang paghilig ng kasama para maibsan ang pagod at hilo nito.
Halos kalahating oras na ang nakalipas, naka-idlip na din si Lauren at nakalikom na siya ng konting lakas ng magsimula silang maglakad pauwi.
Pagdating nila sa bahay ni Lauren, inalalayan niya ito sa higaan. Kinumutan na niya ito at hinayaang magpahinga.
Saktong walang tao sa kanila dahil hindi pa umuuwi ang mga magulang ni Lauren kung kaya't hinandaan niya ito ng pagkain. Naghanap siya ng mga maaring ilutong pagkain. Nakahanap siya ng carrots at sopas na pwede niyang iluto.
Habang inaatay niyang maluto ang pagkain, binabantayan niya si Lauren. Iniisip niya na sana gumaling na ito at maging mabuti na ang karamdaman.
Lumapit siya dito at tinignan ang temperatura.
Medyo bumaba na subalit basang-basa na ito ng pawis dahil sa pagakakayakap sa unan at pagtatakip ng kumot.
Nagising sa pagkakatulog si Lauren ng bahayang inayos ni Carlaisle ang kumot at unan nito.
"Anong oras na?" nanghihina nitong tanong
"Alas syete na, wala pa mama mo eh" tugon nito.
“Ipinagluto kita ng pagkain, kumain ka muna kahit kaunti, para bumalik ang lakas mo." Dugtong nito habang inaalalayan niyang umupo sa pagkakahiga.
Dahan-dahan niyang sinusubuan ng mainit na sopas si Lauren ng mula sa kawalan ay nagsabi ito ng salamat.
"Salamat saan?" tanong ni Carlaisle
"Dito sa pagkain at pag-aalaga mo" tugon ni Lauren.