Ano bang dapat ko sabihin? First time voter ako. Kanina nasaksihan ko kung gaano nagtatyagang pumila yung mga Pilipinong gustong marinig ang boses nila sa pamamagitan ng isang TAMANG boto. ISA lang naman ang boto ko pero alam ko na itong ISANG boto ko ay IMPORTANTE AT MAHALAGA sa ikauunlad ng Pilipinas. Saan ba tutungo tong post na to? Bilang first time voter, nakaka-dismaya makita ang list ng mga nasa Top 12 ngayon sa partial results. Yung mga senatoriable na mas deserve ang spot sa Magic 12 ay nanatiling nasa alanganin ang pagkapanalo. Yung mga kandidatong mas may alam sa kalagayan ng bansa ngayon. Sila ang dehado sa laban. Minsan hindi ko maintindihan ang mentalidad ng mga Pilipino eh. Gusto ng pagbabago pero yun at yun pa din ang binoboto. Hindi nga nila nagawang gawin ang mga ipinangako nila nung kampanya eh. Anong mababago sa pagtakbo nila ulit? Kagaya ng nabasa ko, ang daming ulam na pwedeng lutuin, pero mas pinili nating kumain ng adobo araw-araw. Kelan matututo ang mga Pilipino? Kailan matatapos ang mediocrity? Kelan makakamit ang tunay na pagbabago?