(Project/Addict)ion
Tuwing weekend, nadidissolve ang konsepto ko ng undisturbed sleep. Kasi pagpatak ng 2AM, hinahatid namin ni Mom si Diana sa Ortigas. At dahil dun kaya I can't get my ass off the bed early---ang condition ni Mom para makapagpractice kaming magdrive. Pero kahit naman yata magkalisensya na ako, hindi pa rin niya ako papayagang magmaneho ng madaling araw. Kesyo hindi ko pa daw kaya, kesyo delikado raw. Gets ko naman yung delikado. Bilang magugulat ka na lang biglang may magoovertake sa'yo na at 120KPH. O kaya naman, walang sabi-sabi yung trak sa tabi mo eh kakabig papunta sa lane mo, ganyan. Sa makailang beses na naming paghatid sa ate ko, hindi na ako nagtataka bakit pinakamadalas ang aksidente pag madaling araw. Pero naiirita ako sa hindi ko pa daw kaya. Maaring marami pa akong dapat praktisin, pero judging by the atmosphere of driving habang madaling araw, I've come up with the conclusion na ang kailangan mo lang talaga ay tamang speed limit, defensive driving at constant vigilance. *kabog* I pointed that out to Mom, but she won't listen.
Lately adik na naman ako sa (less-than-a-hundred-bucks) coffee. Ewan ko lang kung good mabuti yun o hindi. Sa umaga sa bahay uumpisahan ko ang araw ng aking concoction: yung Boncafe na mocha mixed with Swiss Miss with marshmallows. =) Tapos pagdating sa CMC, hindi ata kumpleto ang araw ng hindi ako nagmo-Mocha Freeze (kahit na mas matamis ito kaysa sa mocca freeze ng Mini Stop). Grabe, buti na lang nagkukuripot ako masyado para maki-ride sa Starbucks planner craze (although I intend to reward myself with a hot cup of Peppermint chever before the Christmas break). Ba't ka nga naman pa bibili ng 100++ worth na kape kung meron ka pang naghihintay na tatlong kahon ng flavored 3-in-1s na libre? (Bilang may nagbigay kay Mama ng Grandeur made by San Miguel. Mehn, ang saraaaap kaya ng Hazelnut, Mocca at Italian classic!) Siguro ang kape ay isang lame na adiksyon para lang sa aking version ng cessation sa yosi. Kahit may black market nito sa bandang CMC-Music (behlat na lang sa mga taga-AS), hindi na rin biro ang hassle na dadayo ka pa para lang dito. Or worse, magdala lagi ng pakete na alam mo namang hindi mo mauubos agad (thank goodness hindi pa ako umaabot sa pack smoker) at mas nakakapressure pa sa'yo na ubusin mo 'to agad dahil easy access nga naman ang dulot nito sa'yo. Isa pa, may Carolfest na. Nung Friday ko naramdaman ang strain sa boses ng nakasusulasok na gawaing ito. Buti na lang si Cherrie ang magsosolo, haha. Naalala ko tuloy yung one of those Oprah episodes kung saan yung mga obese na nagundergo ng bariatric(?) surgery ay napoproject ang food addiction nila sa alcohol o sa yosi. Ang hirap nun noh, payatot ka nga, lasinggero ka naman.
Pahabol na Postscript Dahil sa maiikling usapan sa J109 tungkol sa wrestling (and mind you, mukhang handa si sir sa diskusyong iyon) ay naengganyo akong muli na manood ng wrestling. At hindi naman ako nabigo: after 45 years, napanood kong muli sa WWE Raw kanina si Shawn Michaels. *shock* See, ako ang batang lumaki kahit paano sa dating WWF. Tuwing Sabado ng gabi, magkukumpol na ang buong pamilya (oo, pati nanay at tatay ko!) para mapanood ang rambulan. Kasama sa bokabularyo ng childhood ko sina Hulk Hogan, Owen Hart, Yokozuna at Undertaker na minsan bumabangon pa mula sa kabaong at sumusugod sa ring habang tangan ng manager niya ang urn na dugo (daw!) ang laman. At dahil baliw kaming magkapatid, minsan kaming nagwrestling ng kuya ko sa bahay, na nagbunga sa basag na glass door ng stereo namin at sa malaking cut sa bandang ankles ko na nakamarka na sa akin hanggang ngayon. Pero nang lumaon, pagabi na nang pagabi ang time slot ng WWF. Natigil na rin ang bonding. Kahit nauso pa si Austin 3:16 at si Eddie Guerrero, at nalipat ng federation si Hulk Hogan, clueless na talaga ako. Owel, it's not like I want to revive the habit once again. Kung napapanood ko man ito paminsan-minsan (e.g., yung wrestling sa RPN 9 na sa Tokyo pa ginaganap) yun ay dahil for fun na lang and to relive the childhood addiction. At tsaka, narealize ko din kanina na napakapeke ng mga stunts nila. But of course, ika nga ng J109 classmate ko (nonverbatim), "It's not really about the fight; it's all about the drama."









