Sentimyento by M.E. Ava
Sa bawat luha na tumatagaktak Sa namumula mong pisngi Patungo sa namumutla mong labi Ang latak ng tahanang sawi Ang siyang nagpapakirot Sa maninipis mong balat Na balot ng sigalot Di mo malilimot ang kahapon na puno ng tawanan Saan na nga ba napunta ang masasayang pinagsamahan?
Itinakwil ang sumpaan Na kailanman walang iwanan Tila ba isang bangkang papel Dahan-dahan sa pagtiklop Hangad ay perpektong mukha Kahit di mo naman masikmura Ang hampas ng dakilang alon Kumakabig sa gumuguho mong damdamin Paano nga ba mapapawi ang dulot na pighati?
Tinuruan mo ko ng pagtiwala Hinangad ko ang pag-asa Hinintay ko ang pagtawa Subalit … Natuto ako ng pagkamuhi Natanaw ko ang pagtatapos Nadatnan ko ang parusa Parusa na sana… “Sana…” {APS Member Submission} Photo by: Marj Avanzado












