may tumawag saken number lang tas smart pa ata akala ko kung sino nanaman kundi si marco nanaman pala yun hahahahaha sabe niya nangangamusta lang daw siya, abay kay bigtime talaga mangamusta nun de tawag pa aba hahahahaha

#interview with the vampire#iwtv#amc tvl#jacob anderson#sam reid




seen from Singapore

seen from United States

seen from United States
seen from Spain
seen from Serbia

seen from Switzerland
seen from Türkiye

seen from Kazakhstan
seen from Spain
seen from China

seen from China
seen from China

seen from Sweden
seen from South Korea
seen from Spain
seen from United States
seen from China
seen from Spain
seen from China
seen from United States
may tumawag saken number lang tas smart pa ata akala ko kung sino nanaman kundi si marco nanaman pala yun hahahahaha sabe niya nangangamusta lang daw siya, abay kay bigtime talaga mangamusta nun de tawag pa aba hahahahaha
Kwentong Simbahan
Nagsimba ko kanina.
Tapos, ang dami ng tao. Meron na sa labas. Pumasok ako sa loob ng simbahan, tapos napaatras ako kasi paglingon ko, nandun ung best friend ko na na-in love sa 'kin. Kasama ung ate n'ya. Ang choge.
Eh hindi na kami nagkaka-text nun, nag-uusap dahil nga sa nangyari. Pero nginitian ko naman siya. Pero parang ayaw n'ya rin naman akong batiin nun eh (feeling ko lang). Pupunta talaga ko dun sa p'westo nila, eh nandoon nga siya, kaya doon na lang ako malapit sa pinto May harang pa kasi. Kung tatabihan ko lang, magiging awkward lang.
Hindi ko nga gaanong naintindihan ung misa eh, minsan na lang magsisimba. Ang choge lang. That was the most awkward situation I ever had inside a church. Buti na lang talaga at naimbento ang pinto, naharangan ako. LOL.
Pero dapat talaga hindi ako papasok sa simbahan eh, sa labas na lang ako. yan tuloy. Hahaha.
Hahaaaaa! Nalaman ko na din yung pangalan nung gwapong tambay sa tindahan ni Aling Sol! Si Jericho.. Pangalan palang ang gwapo na. Tapos.. Tapos.. May kapatid siyaaaa! Ang gwapo din, taena. Ag gara ng genes nila. Haha. Tapos tapos nagsukat pa siya ng shirt sa shop ko. Omygahd ang bango lang. Eh syempre, bakla ako, tinago ko agad tapos inubos ko yung amoy na natira sa shirt. Hahaha! Yaaaaak!!
My Values Teacher. !
Kasi kanina yung topic namin sa values is yung "6 na Batayan ng Moral na kilos" Isa dun yung PAGMAMAHAL. Tapos bigla siyang nag nibigay ng qoutes "Ang Love Ay Parang BUBBLEGUM, Dumidikit Kung Saan Saan" HAHAHAHA xD Sabay sigaw ng "Nice Sir, may pinanghuhugutan ahhh" HAHAHAHA. xD Okay Share. -_-
Naalala ko lang pala kahapon nung nagkita-kita kami nila Ivan, syempre karamihan sa pinagusapan namin eh about sa Tumblr/bloggers. Matic na yun. Alangan namang pagusapan namin eh tungkol sa ekonomiya ng pilipinas? Ade ayon na nga. Tapos napansin ko lang ang dami pala dito sa Tumblr na hindi ko kilala. Haha. Ugh. It's either hindi ko finofollow o hindi ko follower o ano pa. Basta hindi ko kilala. *perks of being isnabera* tapos syempre may mga blogger din naman na kilala ko or kaibigan ko pero hindi kami nagfo-followan. Pwede naman yon diba? Yung kaibigan mo pero hindi mo follower o friend sa fb. Feeling ko nga mas totoo mong kaibigan yung ganon eh. Kasi alam niyo naman dito sa Tumblr diba, hindi mamatay matay yung issue na followback thing. Ayon. Wala lang. Basta tandaan niyo, mas mahalaga ang friendship kesa sa "followback".
EWAN.
Gusto kong umales ng bahay. Gusto kong magpaka-layolayo at pumunta sa malayong lugar. Gusto kong lisanin muna ang aming tirahan kahit panandalian lamang. Gusto kong iwan ang lahat ng kalungkutan at humanap ng kasiyahan. Gusto ko munang magpalameg, sawa na ako sa init ng panahon pati init ng ulo ng mga tao dito. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko sa tahimik na lugar at walang makakaistorbo sa akin. Gusto ko, pero paano ako makakaales, wala akong pera? Leche namang buhay ito eh eh. Gusto ko sanang pumunta sa bahay ng kaklase ko at makipag-inuman, pero kahet pamasahe wala ako. Nakakaasar na’y. Ayokong matigil sa bahay na ito kung palaging ganito ang senaryo. Gusto ko rin sanang pumunta muna ng sementeryo at makipag-usap sa nanay ko. Para kahit papano, mabawasan ang mga problema ko. Kaso mainet pa naman, mangingitem lang lalo ako oh oh oh. Tae na lang. Napaka dami kong gustong gawin pero eto pa rin ako at nakahilata sa kama. Naguguluhan na ako’y. Malapit na ata akong mabaliw. Pero siguro, gutom lang to. Kakaen muna ako. H@H@H@.
Magkukulong muna ako sa kwarto.
Wala eh. Ang ingay na naman sa labas. Parang galit na naman sa mundo ang mga tao saamin. Sigawan dito, murahan duon. As usual, naririndi na naman ako. Hindi na naman bago saakin ito kase madalas ganito ang eksena samin kaya sanay na ako. Yung may iu-utos lang pero kailangang may katakot-takot na sigaw pa. Wew. Creepy! Itutulog ko na lang ulet ito at ako ay magpapaka play-safe, at baka mamaya paggising ko ay tahimik na. Pero nagugutom ako takte, pero ayoko talaga lumabas at alam kong sa akin lang ibubulyaw ang lahat. Kesyo wala naman ako ginawa maghapon pero akala mo'y pagod na pagod at ako ay maya't-maya ay tulog! Well. Tiis muna ng gutom. Dapat nga pala, sumama na lang ako sa mga tropa ko kanina, kung baket kase nalate ako ng gising. Yan tuloy eto ako nagkukulong sa kwartong madilim at tanging ilaw lamang netong cellphone ang siyang nagbibigay ng liwanag. Labo mo life!
Esharekolangsorryna?
E kasi kagabi wala akong magawa sa buhay ko tapos ala-una ng madaling araw gising pa ako at hindi ako makatulog. E nuknukan ako ng duwag at tulog na silang lahat kaya naisipan kong manood ng yt sa cp ko. Sa nakakahiyang kalibugang kadahilanan ang sinearch ko e japanese girl to girl video scandal. Nakakahiya man pero yun talaga e. Parte yun ng buhay. Sorry na? Pero madaming lumabas kaso hindi yung hinahanap ko. Sa totoo lang walang video scandal akong nakita. Sa isip isip ko tuloy "enebeyen" hahahaha. Sumakit mata ko kakahanap pero wala talaga e. Sayang! Hahahaha. Tapos hanggang sa may nakita ko sa search related na pumukaw sa aking mga mata " Suicide Jang Ja Yeon Korean Actress Sex Slave " ayon na-curious ako kaya ayon na lang pinanood ko. Tapos puro pictures lang yung pinapakita e sa isip isip ko sino kaya to? De tiningnan ko yung mga comments sa video may isa don sabi si Jang Ja Yeon daw e yung nasa Boys Over Flowers na nasa grupo ng tatlong babae don na nanggulo kay Jang Di. Ayonnn! Natandaan ko na. Kaya bigla akong nagulat sa isip ko bakit siya nagpakamatay? E inantok na ako kaya ayon. Ngayon ko inusisa kung bakit, nagsuicide siya dahil pinuwersa siyang makipag-sex sa mga may kapangyarihan sa industriya ng showbiz sa Korea para magkaroon siya ng maraming appearance sa tv. Paulit-ulit siyang pinagsamantalahan ng maraming beses ng 30 na mga gagong putapeteng lalaki. Ayon yan mismo sa sulat (suicide note) niyang iniwan bago siya magbigti. Nanghina ako nung nalaman ko ngayon yan. Ewan ko, di ko naman siya idol pero nanghihinayang ako sa kanya at naaawa. Kahit matagal ng nangyari nung 2009 pa e ngayon ko lang nalaman kasi e. Hahahahaha :( Ganda niya e. Hayyyyy! Buhay. Tapos sa mga related videos nagkasunod-sunod yung nakita kong nagcommit ng suicide kaya namatay na mga Korean na aktor at aktres. Yung iba kilala ko dahil sa ipinalabas yung drama nila sa 7 o 2. Ako'y nanlata tuloy. :(