RF: Hindi ako pala kwento.
Hindi ako pala kwento. Yung tipong ikkwento ko bawat detalye ng nangyayare saken araw araw sa isang tao. Hindi ako ganun. Kase mas okay saken yung sinasarili ko na lang, na kahit minsan nasasaktan na ko sa mga nangyayare sa buhay ko. Kase naisip ko na, kahit naman sabihin ko sa iba yung nararamdaman ko hindi pa din nila ko maiintindihan, maintindihan man nila ko pero hindi sa ganung paraan na gusto ko. Dahil sa huli, SARILI ko pa din naman ang makakatulong ko, SARILI ko lang ang matatakbuhan ko at maaasahan ko sa bawat oras na nahihirapan ako. SARILI lang naten ang makakatulong sa atin, kahit anung oras.













