sobrang hirap maging working student. deadline dito, digest doon, basa nang basa kahit wala ka namang naiintindihan, terror professors, and bida-bida classmates (charot HAHAHA). idk how many times na akong nagbreakdown, tinatamad mag-aral, questionin ang sarili bakit ba ako nag-enroll in the middleof a pandemic HAHAHA. worst breakdown ko so far is when i told a na ayaw ko na siyang kausap kasi feeling ko lahat ng sinabi niya sakin about law school is a prank. imagine being so ungrateful sa taong tinutulungan ka magsurvive sa first year mo sa law school. attitude ka gorl? but i’m so grateful sa lahat ng tao sa paligid ko kasi iniintindi nila ako :( i don’t want to be a burden sa kahit na sino pero the fact na naffeel ko yung love nila and nag-aadjust sila for me is what keeps me going (aside sa fact na gusto ko talagang maging avocado lol).
idk how many times na ako nag-adjust for this na pati iba’t ibang klase ng ballpen, iba’t ibang klase ng kape, sinubukan ko na. sobra pa din akong naooverwhelm pero every freaking time na may naiintindihan akong kaso, may nauunlock akong mga bagong words, bumabalik yung fire and reason bakit ako nandito ngayon.
week 2/16. 14 weeks to go. kaya pa. kakayanin.
















