Ako pa nga ba? Madalas kong itanong Ako pa rin ba? #ThursdayHaiku #SinoAko #GCash https://www.instagram.com/p/CWs0XjlP-aixWvpKmofZ8qGOXqbZvQaXhQlL4A0/?utm_medium=tumblr
seen from China
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Spain
seen from Spain
seen from United States
seen from Germany

seen from Sweden

seen from Türkiye

seen from Malaysia
seen from Germany
seen from Italy

seen from United States

seen from Singapore
seen from China

seen from Sweden

seen from Malaysia

seen from Malaysia
Ako pa nga ba? Madalas kong itanong Ako pa rin ba? #ThursdayHaiku #SinoAko #GCash https://www.instagram.com/p/CWs0XjlP-aixWvpKmofZ8qGOXqbZvQaXhQlL4A0/?utm_medium=tumblr
Updates ng Buhay Ko
1:31 am
Ayon, 2013 na nga pala!
Sobrang saya naman ng bakasyon ko nung December. Mas naging close ako sa friends ko sa simbahan. Nag bonding kami lagi nung simbang gabi.:D
Basta ang daming masasayang pangyayari eh ! Tapos ngayon sobrang busy din namin sa P.Y.M kasi may Play. Astig !\m/
Sa production ako kasali kasi inayawan ko yung pag aarte dahil OJT ko na. Kahit gustung-gusto ko T-T Pero masaya din naman sa Production eh kahit naglalaslas na kami with calamansi! hahaha xDD
Sobrang saya ko talaga at excited para sa play! :)) Tapos lagi akong may ginagawa pero syempre masaya naman ako dito.Masaya maging member ng P.Y.M ! Go team! :">
Kanina pinaprint ko yung gawa kong poster ng cake raffle! Ang cute eh ,:") natuwa naman ako masyado sa gawa ko hahah xD
Na-miss ko mag-practice ng choir!! Pero syempers gawin muna tong sa Play~ ! :))
ASDFGHJKLKJGFXXCVBNM!!!!!!! Hindi ko lubos maipaliwanag kung gano ako kasaya kasi ang laking tulong sa kin ng PYM hehehe:DDDDDDDDDD
Pangalan
Noong pinanganak ako, nagtatalo ang mga magulang ko kung anong ipapangalan nila sakin. Ang gusto ni mama, ipangalan ako sa isang santo (baka umaasa syang magiging malasanto ako) na nagtranslate ng bibliya sa wika na maiintindihan ng karamihan para maihayag sa iba ang salita ng diyos. Si st. Jerome. Kaya ayun ang naging pangalan ko. Si papa naman, di pa natuwa, gusto pang dugtungan ng victor. Jerome victor daw para jv. Di pumayag si mama dahil parang pang kontrabida daw. Pero tama nga naman sya.
Ako lang ang naiiba sa aming magkakapatid. Ako lang yung isa lang ang pangalan. Mga kapatid ko, dalawa o tatlo pa. Ako isa lang. Kaya nga minsan naisip kong ampon ako. Lalo ko pang napatibay ang theory ko dahil di ko malaman kung san ko namana ang kaguwapuhan ko. Pero joke lang yun. Pero pwede ring hindi.
Ilang taon din, nabuhay ako dala ang pangalan na yon. Isang pangalan na kahit kelan ay di ko nagustuhan. Pero wala akong nagawa. Kaya ng minsan, nung nagsimula ako maglaro ng isang online game, pinangalanan ko ang sarili ko na Kasmot. Di ko alam kung san ko narinig yun pero nagustuhan ko. At bawat account na gawin ko ay may kasmot sa pangalan.
Tapos nadamay ako sa pagsali ng tropa ko sa clan sa text. ( korni na kung korni pero malamang minsan ka din sumali sa ganun. Haha) nagtago naman ako sa pangalang Tikmaw. Napili ko din yun dahil pangit pakinggan. Para hindi sila umasa ng kahit anong magandang bagay mula sa akin dahil pangalan ko palang, pangit na. Nagustuhan ko iyon dahil di ako makakaramdam ng pressure dun. Hindi ko kailangan idefend ang sarili ko kapag pinangalanan ko ng isang magandang adjective ang sarili ko.
Ngayon taon lang, natuto ako magchat sa yahoo messenger. At binuhay ko ulit ang pangalang Tikmaw. Madami akong naging kaibigan dun. Madami akong nakapalitan ng kuwento, tawanan, chismis, at iba pa. Pero iilan lang sakanila ang nakakaalam sa tunay na pangalan ko. At yung iba na may alam, mas pinipili paring tawagin akong tikmaw. Masaya ako sa pangalan na yon. Wala akong kailangang ipagmalaki. At kung ano ako at ang ipinapakita ko ang syang magbibigay ng maganda o pangit na kahulugan sa pangalang iyon.
Ngayon, napunta ako dito sa tumblr. Sa mundong gusto ko. Sa mundong ang Ako na nakikita niyo ay ang Ako na di ko maipakita sa mga kakilala ko sa personal. Ang Ako na kung tutuusin ay hindi ko pa lubusang kilala. Ang ako na pinipilit ko pa lamang kilalanin. At mas gugustuhin kong makilala ninyo ako base sa mga sulat ko na nagpapakita ng aking nararamdaman at naiisip. Nais kong makilala ninyo kung ano ako. Hindi malaman ninyo ang pangalan ko. Habang ako ay nagtatanong kung sino nga ba ako.
Kung kaya naisip kong pangalanan ang sarili ko na Sino. Tawagin mo akong Sino dahil hindi mo ako kilala at di ko rin naman kilala ang sarili ko. Tawagin mo akong sino. At wala akong pakialam kung hindi naman iyon maituturing na pang ngalan.