When i see posts using #inktober, medyo napaisip ako: paano kung itry ko magdrowing using pure ink (g-tech). Well, iba pala talaga kasi talagang matinding concentration ang kailangan. As in maingat talaga...habang dinodrowing ko to, nakapikit talaga yung isang mata ko para sipat-na-sipat yung bawat linya na ilalagay ko. Kaya naka-wink ang drowing ko kasi nagkamali ako ng lagay ng isang mata (realtalk: Ang hirap gumawa ng isa pang mata. #stuggleisreal) at sinadya ko talaga na walang shading yan kasi sa totoo lang, di pa ako marunong nun. At isa pa, narealize ko na matindi pala ang tama ng kape para sa motibasyon gumuhit. Pero wala pa akong balak panindigan ang #inktober kasi sa tingin ko dapat isang buwan kang motivated magdrowing. At busy pa ako para dito. P.S. para sa mga marunong gumuhit, wag nyo sana laitin tong gawa ko. Di pa ako masyadong eksperto dito.