Tanghalian.
Nagising akong gutom at agad namang nag-aya kumain sa bagong resto sa kabilang nayon kasama si Fernee. Kaso tanghali na pala at tila ba tirik na tirik ang sikat ng araw at sadyang napakainit sa labas. Ilang beses humindi si Fern at nagsabing magluluto nalang siya. Isang subok ng pilit pa ang ginawa ko kasama ng pang-salestalk na aircon bus naman ang sasakyan papunta at pauwi kaya hindi masyado mainit or kahit matrapik kami ehh makakaipon ng lamig. Solb. Pumayag.
Pagdating sa resto, madaming tao. Ihawan set-up pala wherein kukuha ka ng gusto mo ipaluto then poof! Antay ka nalang sa mesa at ihahatid nila sa’yo kapag ready to eat na. Agad naman kaming namili ng kung ano-ano at tiniis ang mahabang pila sa counter. Nang pabalik na kami sa mesa, nakatitig ako sa resibo kase parang mura lang kahit andami ng pinaluto namin. Hindi ko namalayan na muntik-muntikan na pala akong makabunggo ng tao sa harap ko. Buti naman at agad akong nahila ni Fern bago pa makaabala, ngunit paglingon namin pareho kung sino yung muntikan ko mabangga.. 0_0 si Allan Kenneth pala. Liit ng mundo. Asdfghjkl. Oks lang. Hindi naman niya napansin. Ang ewan kase ng reaksyon ko. Nagulat na nawindang na natulala na natawa na ewan. Epekto siguro ng gutom. HAHAHA. Sige balik na kami sa upuan tapos nagbabangayan na kami ni Fern na tipong “bakit ba kase tayo andito?”, “sino ba nag-aya kumain dito?”, “bakit ka kase pumayag dumayo dito?”, etc etc. Hindi siya away na bangayan pero more of asaran at tawanan na bangayan. Tapos out of nowhere nagsabi si Fern na binati naman siya ni Allan Kenneth nung nadaan sa table namin. Hindi ko pala nakita kase nakasalungat ako sa direksyon niya.
Ayun. Feeling ko anhaba ng araw ko dahil dito. Nagmadali ako kumain at umuwi. Kase mainit talaga yung panahon tapos hindi ko masyadong trip yung pagkain at inaantok na naman ako. Pero tadhana nga naman. Hilig mang-asar from time to time. Para akong naalimpuhatan. Osha.
Hi nga pala Allan Kenneth. :)








