Bittersweet ending.
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Spain

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Mexico

seen from United Kingdom

seen from Spain

seen from Netherlands

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from China
seen from United States
seen from Canada
seen from Italy
Bittersweet ending.
Martes.
Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko kagabi. Mabigat. Malungkot. Na para bang wala na naman akong kasiguraduhan sa buhay ko. Bakit na naman? Kakapakinig ko ata ng isang bagong kanta. Sa kakapaulit-ulit, andaming biglaang desisyon. Na magseseryoso na ko. Na lilinawin ko na lahat ng malabo. Na itatama ko na yung mga mali ko. Ganito ba talaga kapag panahon ng Hunyo?
Nagising ako ng maaga. Sa takot kong maleyt sa unang araw ng paglipat ko sa 2nd floor workstation, nagmadali agad akong naligo, nagbihis, nag-ayos at umalis ng bahay. Maaga naman ako nakapunta sa terminal pa-MRT. Maya-maya lang, pamilyar na naman yung sumakay. Nag-hello ka. Dahil hindi naman na ko lutang at inaantok, nakapag-hello din naman ako sa’yo. Pabulong nga lang ata? Hahaha. Hindi ako makalingon so hindi ko talaga alam kung san ka nakapwesto. Pero hula ko nasa southwest lang kita. Charot. Iniisip ko nga kung pwede kita kausapin. Chika lang. Chararat. Hahaha. Tipong aantayin kita bumaba saka kita dadaldalin. Kaso sa dulo ng byahe, nagbago na isip ko. Hindi ko pala kaya. Baka isnabin mo lang ako. So.. tinignan nalang kita sa malayo. Although ako yung nauna bumaba at pumunta sa MRT, nasilayan ko parin kung san banda ka. Biruin mo ‘yun, sa dami ng tao sa paligid, prisensya mo parin ang nangingibabaw at napapansin ko. Haaaaaaaaay. -_-
Nag-iisip nga ko ng malalim. Sa dami ng iniisip ko kagabi, ngayon ka pa lumitaw. Grabe naman talaga si destiny. Parang ayaw talaga ako patahimikin. Huhuhu. Tapos bigla kong naalala na martes pala ngayon. Nagcocommute ka kapag martes? Ehh 14 next week tuesday. Ako naman ‘tong si ewan na kinakabahan. Pero sana naman huwag tayong magkasabay next week. Nagmamakaawa ako kay destiny. ‘Wag talaga. 0_0
Osha. Hi. Hello. G’morning. Ankyut mo parin. Ingat ka always & forever. :)
Could've Been.
I saw you this morning. You were riding the same vehicle as I was in going to MRT. You looked neutral. Neither happy, nor sad. Just neutral. I was supposed to say hi but I’m not really sure if you saw me so I just slept through travel time.
And then I remembered just now that today is 14. Could’ve been the 82nd. G'night dearie.
Instagram.
You almost made me doubt my decision.
Pagtugma.
Huling naalala ko, nakabukas yung mobile data at hotspot ni Sapphire bago ako matulog. Nawala sa isip ko na maaari pala siyang maubusan ng baterya at hindi mag-alarm. Olats. Nadeadbatts nga. Pero tyempo naman nagising ako ng 4:35am ng kusa. Medyo nasasanay na ulit ang diwa ko gumising ng medyo maaga. Pwede na.
Pagbangon ko, parang anbagal ng oras. Kahit anong kupad ko, medyo maaga padin ako natapos. Mga 5:17am nakalabas na ko ng gate ng bahay. Pagdating sa terminal ng pa-MRT, ready-ing-ready na ko matulog pagkabayad ko ng pamasahe. Kaso, bago ako matulog, may sumakay na very very very familiar person. Antagal ata nagdownload sa utak ko. Nakapag-hello ka na’t lahat saka lang ako natauhan. Hindi ko nadin maalala reaksyon ko. Baka ang isnab ng dating, pero tanda ko nag-hi naman ako sa’yo. Gusto ko sana gumamit ng selpon para ichika ‘toh agad sa tumblr (chos! dejowk lang) kaso deadbatts. Ang tangengots lang at pinanindigan kong hindi mag-charge. Huhubells. Tapos gusto ko rin sana magsoundtrip pero hindi ko malabas yung iTouch kase parang ang weird kapag nakita mo na ginagamit ko padin yung bigay ng parents mo.
Ayun. Sa dami ng mga unnecessary things na inatupag ko ngayong umaga na hindi ko talaga maintindihan, eto pala ang nais pagtugmain ni destiny. Ang matyempuhan kita sa terminal sa labas ng subdivision namin. Nakakaaliw na nakakawindang na ewan. Kool. Haaaaaaaaaaaaaizt. :\
[heavy breathe in, heavy breathe out] --feeling Darth Vader na naman akech.
Hi. Hello. Ingat ka lagi. :)
Almost Real.
I remembered so well. I looked at you with love on your eyes. I held your hand and touched your face. You were always warm, like you used to be. But I knew what we aren't in real life. I took a deep breath, smiled, and said I wish this was all real. The next thing I knew, I woke up with a teardrop rolling down my cheek.
Why the struggle now? G'morning, Dear.
Dentista.
Habang nag-aantay ng jeep pabalik ng Pecson, ramdam na ramdam ko na naginginginig yung tuhod ko. Hindi naman ganun kalamig ngayon pero parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalingon sa kabilang bahagi ng kalsada kase baka may dumaan na hindi ko na naman inaasahan. Pinaghalong takot at kaba. Naiiyak ako. Ayoko talaga ng nagpupunta sa teritoryo mo kase kahit lumipas na ang mahabang panahon, takot padin ako sa'yo. Or baka naman ansakit lang talaga ng ngipin ko? Boohoo. -_-
Tanghalian.
Nagising akong gutom at agad namang nag-aya kumain sa bagong resto sa kabilang nayon kasama si Fernee. Kaso tanghali na pala at tila ba tirik na tirik ang sikat ng araw at sadyang napakainit sa labas. Ilang beses humindi si Fern at nagsabing magluluto nalang siya. Isang subok ng pilit pa ang ginawa ko kasama ng pang-salestalk na aircon bus naman ang sasakyan papunta at pauwi kaya hindi masyado mainit or kahit matrapik kami ehh makakaipon ng lamig. Solb. Pumayag.
Pagdating sa resto, madaming tao. Ihawan set-up pala wherein kukuha ka ng gusto mo ipaluto then poof! Antay ka nalang sa mesa at ihahatid nila sa’yo kapag ready to eat na. Agad naman kaming namili ng kung ano-ano at tiniis ang mahabang pila sa counter. Nang pabalik na kami sa mesa, nakatitig ako sa resibo kase parang mura lang kahit andami ng pinaluto namin. Hindi ko namalayan na muntik-muntikan na pala akong makabunggo ng tao sa harap ko. Buti naman at agad akong nahila ni Fern bago pa makaabala, ngunit paglingon namin pareho kung sino yung muntikan ko mabangga.. 0_0 si Allan Kenneth pala. Liit ng mundo. Asdfghjkl. Oks lang. Hindi naman niya napansin. Ang ewan kase ng reaksyon ko. Nagulat na nawindang na natulala na natawa na ewan. Epekto siguro ng gutom. HAHAHA. Sige balik na kami sa upuan tapos nagbabangayan na kami ni Fern na tipong “bakit ba kase tayo andito?”, “sino ba nag-aya kumain dito?”, “bakit ka kase pumayag dumayo dito?”, etc etc. Hindi siya away na bangayan pero more of asaran at tawanan na bangayan. Tapos out of nowhere nagsabi si Fern na binati naman siya ni Allan Kenneth nung nadaan sa table namin. Hindi ko pala nakita kase nakasalungat ako sa direksyon niya.
Ayun. Feeling ko anhaba ng araw ko dahil dito. Nagmadali ako kumain at umuwi. Kase mainit talaga yung panahon tapos hindi ko masyadong trip yung pagkain at inaantok na naman ako. Pero tadhana nga naman. Hilig mang-asar from time to time. Para akong naalimpuhatan. Osha.
Hi nga pala Allan Kenneth. :)