Sports na kaibigan!
Ang sarap ng may mga ganitong kaibigan, yung kahit na pinagtritripan niyo na ang isat-isa eh walang napipikon. Ayun ang masayang samahan eh, yung mga pangyayari na hindi lagi nangyayari. Gets?
Iba kasi yung saya kapag biglaan niyong kinukulit ang isat-isa, biglaang may kakaibang bonding sa inyo kahit na ang pinagsamahan niyo eh nasa likod palang ng mga letra. Kahit na hindi pa kayo nagkikita, eh parang kilala niyo na yung isat-isa. Kaya hindi nakakapagtaka na kapag nagkita kita kayo sa personal eh daig niyo pa ang magkapatid, kaklase kung kayo ay magbiruan.
Ang kulet lang, di ka lang talaga makapaniwala na yung mga taong hindi mo inaasahan magiging kaibigan mo eh yung mga taong magiging sobrang ka close mo pa. Syempre natatakot ka na baka tarayan ka o dedmahin lang diba?
Napakasaya na marami pa rin pala ang ganito. Mga taong sasakay sa trip mo, makikitawa sa mga corny mong jokes. Malaki ang respeto ko sa mga taong ito.











