PAUNANG SALITA MULA SA YUMAO TADO
Minsan ka lang mamatay. As in, isang beses lang. At pag nagkataon, dehins mo yun alam o mabibigla ka, huwaaaattt?! Sa ingles surprise!
I hate surprises, bumibilis pintig ng puso ko e, nabibingi ako sa kalabog. Sa ganitong dahilan kaya ko naisip ito. Biography + Eulogy = Bio-Eulogy?
Ikaw ang gusto kong sorpresahin….
Ang librong ito ay preview hehe, oo pre-burol, trailer ng buhay ko… inunahan ko na. “A tribute to myself.“ Sa totoo lang, abstract pa rin ang pananaw ko sa kamatayan, walang malinaw na paliwanag. Basta ang alam ko, darating tayo dun. Ayaw man natin. Walang makakapigil, sila ngayon, ikaw naman bukas. Pero ang laging tanong after ng kamatayan ay kung langit at impyerno saan nga ba tayo tutungo, well I dunno.
These words. are. haunting.