Tinig ay ber.
Walang poreber. pero bakit bitter. hindi naman talaga matter. puro ter ter. buwan nga ay ber ber. So be happy to make your life better because it is matter.
seen from United States

seen from China
seen from United Kingdom

seen from Italy

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China

seen from Argentina

seen from Malaysia

seen from Bulgaria

seen from Türkiye

seen from Kazakhstan
seen from China
seen from South Korea
seen from Kazakhstan

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Italy
seen from China
Tinig ay ber.
Walang poreber. pero bakit bitter. hindi naman talaga matter. puro ter ter. buwan nga ay ber ber. So be happy to make your life better because it is matter.
Ano nga ba?
Siguro ayaw ko nang kumapit sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Hindi mo ako masisisi. Mahirap na kasing kumapit kung alam mo na balang araw, malaki ang posibilidad na pwede kang mahulog na mag-isa. Masasaktan ka, mababasag, mag-uumpisa muli. Hindi ba tama na humiling ako ng kasiguraduhan sa lahat ng nangyayari? Ayaw ko na kasing mangapa sa dilim. Napapatid ako, nababangga, at minsan naliligaw. Di ko naman kinukwestiyon ang liwanag na binibigay mo. Pero mas nangingibabaw na kasi ang kadiliman kapag palubog na ang araw di ‘ba? o kaya naman kapag pasikat pa lang ito, mamumuhay ka muna sa ilang oras ng kadiliman bago mo muling masilayan ang pagbati sa’yo ng haring araw. Alin ba tayo sa dalawa? Pasikat o Palubog? Alam mo, sa tuwing sasabihin mo na mahal mo ako, napapakapit ako.
Sa tuwing yayakapin mo ako, napapakapit ako.
At sa tuwing masaya ka kapag magkasama tayong dalawa, mas napapakapit ako. Oo, kumakapit ako nang sobrang higpit. Kasi ayaw kong pakawalan ang bawat sandali. Ayaw kong may malampasan ako kahit isang saglit. At higit sa lahat, parang ayaw ko nang umalis sa mismong pagkakataon na 'to. Ayaw kong pumasok sa isipan ko ang ideyang balang araw, baka maglaho din 'yon. Kaya pasensya ka na. Sabihin mo nang makasarili ako. Gusto ko lang na tumibay ang dahilan ng bawat pagkapit ko, sa’yo. Sa atin. Sa lahat ng kinikilala natin. Kaya magtatanong ulit ako, at sana bigyan mo ako ng deretsong tugon:
Ano na nga ba talagang matatawag sa ating dalawa ngayon?
--------------------------------- eXcerpts of the MiND // Mga Bagay na Hindi Sigurado: TAYO
Sulat para sa kaibigan kong nagmahal at nasaktan...
Hahaha! Nakakatawa naman to. Osige na nga. Malalim kasi hugot ko sa pinagdadaanan nya ngayon. Di dahil ako yung nang-iwan pero dahil ako yung nagmahal pero naiwan.
Bakit ba may mga taong ganon nalang? Basta-bastang nang-iiwan. Di ko ma wari kung sila ba ay naghihiganti o kung ano man, basta’t di ko maintindihan. Sana di nalang nya pinaasa. Palaging kinakausap sa telepono, babad sa skype at ano pang klaseng video call yan. At mas lalo ng sana di nalang pinaramdam na may pag-asa sya kahit wala naman. Napakanta tuloy ako ng “napakasakit...kuya Eddie” Uuyyy aminin, kinanta mo rin habang binabasa yan. Hahaha! Ayun nga, yung isa nagmahal ng iba habang sya patuloy na umaasa.
Payo ko lang sayo kaibigan, itigil mo na yan. Wala naman kasing patutunguhan. Sarili moy iyong sinasaktan. Tekaaa bakit tugma lahat ang ending ng pinagsasabi ko? Wahahaha Eto seryoso na kasi... wag na. Tigil na. Para san pa ba pinaglalaban mo kung nakahanap na sya ng iba, dba? Masakit ba? Pero mas masakit ginawa nya sayo, ulol. :P Ang babaeng tulad nya, di mo deserve. Okay? Yung mga tipong ganon naghahanap lang ng photographer! este, parang kaibigang laging nandya, ayaw nya ata sa long term relationship e. Nakapang-ilan na nga ba dba? Pare-parehong dahilan din, hindi ba? Kaya wag na. Di mo sya deserve! HAHAHAHA
May mga bagay na Pwede na sana pero hindi Pwedeng ipilit.
Yung girlfriend mong GOBLIN. Mukhang pera.
Ako nga tokneneng lang at mga tusok tusok sapat na.......
Hi ateng mapamihasa. Minsan gusto na kitang tanungin if wala ka bang nararamdamang masakit. Kase ilang beses na kitang sinabunutan, nginud-ngod sa desk, kinurot ng nail cutter, binalatan ng buhay at ibinitin ng patiwarik sa isip ko pero ayan ka parin, patuloy sa pagpapabida at pamimihasa sa mga bagay-bagay.
Importante.
Importante.. salitang ang katumbas ay mahalaga.. ngunit bakit at paano ba natin masasabing importante o mahalaga ang isang bagay, tao, o pangyayari sa ating buhay? kapag ba maganda lang ang mga kaganapan? kapag ba pabor lang saatin?? o kapag ba masaya lang tayo?? para saakin ang lahat ng bagay, tao, at kaganapan ay Importante.. dahil naniniwala akong ang lahat ng mga iyon ay may malaking ibabahagi upang maging mature ang ating mga isipan at mabigyan pa tayo ng maraming karanasan sa buhay na atin naMang ikatatatag ;) "Kaya huwag sayangin ang buhay mo, dahil Mahalaga ka... Importante ka! hindi man sa kaniya ngunit sa Iba..."
Ang lakas ng loob mag puyat, parang walang pasok bukas ah?!