Kung matagal mo na sana 'tong ginawa baka natupad na ang mga pangarap mo
I was in high school when I thought to my self "magbubusiness ako bago mag23". So I took nursing.. 😂
Nung 1st year college ako, pinagiisipan ko na kung anong kalaseng business ba ang papatok. Naisip ko nang magbenta ng mga ginagawa kong bracelet pero masyadong ordinary. Mabuti sana kung madami akong kilala pero kakalipat lang namin noon sa Bulacan. Or kung may isang tao sana ang magkaroon ng interest sa mga gawa ko katulad noong 13 years old palang ako, binibili ng kapitbahay namin yung 10 bracelets na gawa ko for 100php tapos ibebenta niya ng 50php sa iba.
Naubos yung 4 years ko sa kakaisip. Kakakuwento sa mga kaibigan ko sa mga gusto kong mangyari at sa mga visions ko sa future. Hanggang makagraduate ako, wala akong naumpisahan.
Laking panghihinayang ko noon nung biglang magboom yung mga arm candies. Naging idea ko din yun noon.
Binigyan ako ng idea ng friend ko. Hindi pa uso noon yung mga facemask na nakikita ngayon sa palengke. "Alam mo yung mask natin kasama ng scrub suit? Magandang idea sa business kung may design yun no?". Nagbanggit sya ng specific design sa mask and it was an amazing idea. Napapaligiran kami ng potential buyers dahil nurse kami at hindi iyon ganun kahirap gawin. Pero dahil nega kami, hindi agad namin iyon ginawa. Kesyo hindi lang ganun kadali magumpisa ng negosyo kahit pa may pangpuhunan ka; kesyo kailangan munang pagisipan ng mabuti, hindi lang ganun ganun ang business. Hanggang sa naunahan na kami ng iba. Ngayon, makikita mo sa paligid yung mga mask na iba't iba ang design.
The lesson? Just do it.
Kapag may idea ka, just do it. Hindi mo malalaman kung magki-click yan kung di mo susubukan. Wag kang matakot sa negative sides ng buhay. Lahat naman ng bagay may ups and downs. Kapag nagfail, ulitin mo lang ulit. Just make sure na di mo na uulitin yung pagkakamaling nagawa mo para magfail ulit. That's part of life..










