Pampulubing Byahe Pa-Bohol
Wala naman talaga akong balak pumunta sa Bohol. Isang araw nalang, tumawag yung pinsan ko at niyaya akong pumunta ng bohol. Ako naman, dahil hindi pa ako nakakasakay ng eroplano, pumayag akong sumama.
Pinaghandaan namin lahat. Mula sa tutulugan hanggang sa reservations ng tour guides. Pagdating namin doon, we realized that it was a huge mistake that we came too prepared. Well.. Except sa byahe namin papuntang airport, everything were already prepared.
6am ang meeting time namin ni Cousin sa Malolos pero 7am na siyang nagpakita sa akin kaya ayun, 9am na, nakasakay pa kami sa LRT. Nag-grabcar kami para sana mapabilis kami pero di namin mahagilap si kuya driver. Mabuti nalang mabait si kuya at binilisan niya magdrive para lang umabot kami sa flight namin which is 10am.
Maganda naman ang first experience ko in air travelling with Airasia. Nagexpect naman na ako ng delay kaya hindi na big deal sa akin ang 5 minutes late departure namin sa NAIA 3.
In just an hour, we arrived in Tagbilaran City!
Sa labas pa lang ng airport, kabi-kabila na ang nag-aabang na mga tricycle. In fairness, uniform ang itsura ng mga tricycle dito. I won't post a picture. See it for yourself para di naman masira ang surprises ng Bohol. Tricycle daw ang mode of transpo dito kaya kahit saan ka tumingin, available sila.
First drop off namin: Dumaluan Beach Resort II in Panglao Island.
It's half hour tricycle ride from Tagbilaran airport worth 200php. Meron naman daw jeep papunta doon pero parang bus, 1 hour ang pagitan bago umalis. Habang on the way kami sa Panglao, I noticed yung nakasabit sa tricycle ni kuya. Tumatanggap sya ng service para i-tour yung mga turista sa Panglao at Bohol.
That was the time na nanghinayang kami. May car rental sila, syempre with driver na yun at 1500php (di pa kasama ang entrance fees). Nagpareserve kami online and we paid 3000php (kasama naman na doon yung mga entrance fees and lunch sa Loboc). Well.. That's life. At least ngayon, alam na namin.
This is the view in our room's bacony
When we arrived at Dumaluan, agad naman kaming inasikaso ng mga employees at hinatid sa room namin. Padilim na noon kaya di namin masyadong na-apreciate yung beach pero napakaganda ng pool area nila at ng restaurant nila. I can't post my photos, kasi lantad na lantad yung pagmumukha ko sa pictures. If you want to see it, puntahan niyo nalang. Masusurprise kayo sa ganda.
The room is small pero malinis. May T.V, aircon, malinis din yung C.R nila which is 👍 para sa akin. Medyo outdated nga lang but still it's a thumbs up.
Konting swimming lang sa pool ang ginawa namin that night kasi hanggang 9pm lang available ang pool pero 24 hours naman open ang dagat. Just swim at your own risk nalang. Kahit mababaw lang ang tubig, madami naman lamang dagat ang nasa sea floor. May nakita akong sea urchin.
Kinabukasan, nilubos na namin yung dagat. Shems! Ang lamig ng tubig! Sana pala kagabi pa kami lumusong, ang init kasi ng tubig sa pool. Maybe because it was really hot that day.
Nakita namin yung tunay na ganda ng Dumaluan Beach Resort II. Sobrang linis, wala kang makikita kahit upos ng sigarilyo. And it's really private kaya ang tahimik, nakakahiya ngang magsalita kasi maririnig ka ng lahat.
Kasama sa room rate na 3000php per night yung breakfast buffet. Unlike those breakfasts na tinipid, here in Dumaluan mabubusog ka talaga. Masarap silang tignan, pero mas masarap sila sa loob ng bibig 💋 it was marvellous!
Afer namin kumain, I was taking pictures when someone caught my attention. He was selling these beautiful jewelries. He's claiming it as a real pearl. (Insert tone of nesfruta's commercialI) Is it real? Is it real? I don't know. But it's ranging from 50php to 300php depends sa kind of jewelry you are fond of. Just be careful of manloloko.
After namin pagsamantalahan ang kagandahan ng Dumaluan, tinawag namin si kuya Victor. Yung driver ng trticycle. Ililibot niya kami sa buong Panglao Island at 600php.
Madami pa akong ikukwento sa Bohol escapade namin. Wait for my part II!