Ang mga babae selosa yan, kahit sa maliliit na bagay nagseselos yan. Kasi sa sweet lang na tawag mo sa kaibigan mo eh selos na yan. Hindi naman kasi porket selos eh distansya na. Syempre ang parang nararamdaman niya o ang na isiip niya "Bakit ganun sila? Bakit kailangan may iba pang kausap? Bakit ganun tawagan?" at syempre nakakainis din naman yung ganon noh. Parang lumalandi ang tingin niya sayo, parang may gusto ka sa babae na yun. Kaya pag nag seselos siya minsan pa nga hindi lang selos nararamdaman niya, lungkot pa nga eh o kaya minsan insecure pa siya. Kasi ipagkukumpera niya ang sarili niya sa babae na yun. Kami kasing mga babae moody at syempre sensitive, kaya kailangan niyong makiramdam. Kasi hindi naman sa lahat ng oras na okay lang siya ay totoong okay lang, kasi minsan nahihiya na rin kami. Parang naisip namin na mababaw lang tapos gusto niyo pa malaman kung ano yun. Edi dun din nagsisimula ng away, kung ano man problema niya, selos man yan o hindi intindihan mo. Kung siya lang naman mahal mo hindi mo na kailangan ng iba pang babae na super sweet ang tawagan niyo, kahit pabiro pa yan nakakainis at nakakagalit padin yan sa mahal mo. Kay distansya at unawa lang. Pero wag ka namang didistansya sa kaibigan mo na to the point na hindi mo na siya kakausapin, wag ganun. Ang distansya lang ay yung mejo PAGIGING FRIENDLY MO yun lang yun.