Apat
Kalayaan sa Pagsalita, Kalayaan sa Pagsamba, Kalayaan sa Kagustuhan, at Kalayaan mula sa Takot. Ito ang Apat na Kalayaang dapat lahat tayo'y nakakaranas, mga karapatang di dapat napagsasamantalahan at napupukaw lalo na sa mga kabataan. Ngunit bakit? Bakit kailangang mawalan sila ng boses kakasigaw para sa kalayaan? Kalayaan sa Pagsalita! Subali't ang aming mga hiling at pakiusap ay tuluyan niyong ibinabaliwala. Kami ay bata pa, at dahil dito'y pilit kayong nagbibingibingihan sa aming mga tinig dahil ang pag-ikot ng mundo'y masyado pang kumplekado para am'y maintindihan. Mga problemang aming nasasangkutan inyong minamaliit dahil kumpara sa suliranin ng mundo'y , wala pa ito sa aming pinagdadaanan. Kalayaan sa Pagsamba! Ngunit ang aming mga kapatid na bata'y lumalaki sa gera, dahil sa mata niyo'y karahasan ang tatak ng rehiyon nila. Lubusan ninyong itinatakwil ang mga hindi naniniwala sa inyong mga dogma lalo na ang mga batang lumaki sa ibang pananampalataya— sainyo'y kakutiyakutiya. Ang ating mga paniniwala at tradisyon ay di man pareho, sana nama'y huwag mawala ang respeto sa pagkakaiba ng panig ninyo. Kalayaan sa Kagustuhan! Ngunit ang mga batang nasawi sa kahirapan nagtiyatiyaga nalamang sa walang lamang sikmura, mga kabataang walang tirahan namumuhay sa pamumulumi dahil wala man lang mag-abot ng tulong para kanilang buhay ay guminhawa man lang, mga batang umaalis sa paaralan para magtrabaho dahil hindi kayang bayaran ang edukasyon na para rin sakanilang kinabukasan, napipilitang kumayod kaysa mag-klase. Kalayaan mula sa Takot! Sa bahay na kasiyaha'y sila'y nayayamot, dahil imbis na mahigpit na yakap ang salubong— isang mahigpit na sakal sa leeg ang madadatnan. Mga kabataang naabuso dahil sa pagmamaltrato ng mga mas nakakatanda. Mga batang napagdidiskitahan ng mga taong nasa posisyon at may kapangyarihan para magmanipula ng katotohanan, kayo ang dahilan kung bakit takot ay naibaon sa aming mga isipan. Kung pano niyo pamunuan ang mundo ngayo'y lubos na makakaapekto sa aming kinabukasan, wag niyong itapon samin ang mga respinsibilidad na kayo nama'y may kasalanan— gaya ng aming Inang Lupang lubos sa iyakan. Ang daling masabi ang "kalayaan" kahit na marami parin satin nagdurusa para lang ito'y makamtan.
—Gwen Paguibitan.
(Imahe; https://facesoftheearth.tumblr.com/page/6#_=_ )














