Naliligaw na naman daw si *insert boys teens wear brand here*
Dati pa naman daw naliligaw yung brand na yun. Di malaman ang identity. Hindi makapag-compete sa ibang brand… Ganun. Pero mas ramdam ko ata ngayon na mas naligaw sya. Eh pano ba naman? Isang mayor ng loser-ville ang pinaghawak nila nung brand na yun? Yung loser na palaging naliligaw. Walang alam at hindi alam ang gagawin. Itago na lang natin sya sa pangalang …. Kenneth.
Ewan ko ba. Pag naguusap-usap ng mga task at pag nag mi-meeting, nakatunganga lang ako sa kanila. Ang gagaling kasi nila. Memorized na agad nila yung mga fit. Mga style number. Mga code ng fabric tsaka supplier… Antagal-tagal ko na nga rito, wala pa rin akong alam.. Sarili kong design di ko makilala. Parang OJT pa lang rin ako dito. Hindi nga siguro talaga ito para sakin., eh bakit andito pa rin ako?? Hindi ko rin kasi alam kung san ako pupunta pagkatapos nito. Baka kasi eto lang o sila lang ang kayang tumanggap ng mga kapalpakan ko. yung kayang magtiis sakin… Eh wala rin naman akong talent. Anong ipagmamalaki ko? Wala pa naman akong napapatunayan…
Naliligaw na agad ako., isang gate palang ang nabubuksan ko at isang liko pa lang ang nagagawa ko.
I’m just a lost boy., not ready to be found.