#TeamKaiDie #babe 👫❤️

seen from United States

seen from United States
seen from T1
seen from United States

seen from United States

seen from Bangladesh

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Iceland
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from France

seen from Malaysia
#TeamKaiDie #babe 👫❤️
Message for YOU <3
April 16, 2015
Hi mahal. Kamusta ka naman? Feeling letter ito kahit hindi naman. Wala lang gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, hihi! Wag mong kakalimutan yun hah. Bakasyon na, matagal tagal ulit bago tayo magkita pero okay lang yun as long as may communication tayo, masaya na ko dun at yung pinaparamdam mo parin sakin yung pagmamahal mo.. J Ang bilis talaga ng mga araw, dati hindi lang nagpapansinan sa klase as in magclassmates lang talaga pero ngayon graduate na tayo at parehong future RNs. Grabe talaga noh? Pero thankful at blessed talaga ko na ikaw yung nakasama ko hanggang huling taon sa college. Ang saya kasi wala talaga tayong dull moments, sana sa mga future na araw pa at adventures wala pa ring magbago satin. Magkalayo man tayo kahit gaano pa kalayo basta mahal natin ang isa’t isa at my tiwala tayo alam ko mas tatagal pa tayo higit pa sa inaakala natin. Alam ko hindi dapat magsalita ng tapos pero naniniwala ako na pagmahal mo at masaya kayo, tatagal yan.
Gusto ko lang po magthank you ng maraming marami sa’yo. Sa sobrang dami hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa’yo yun. Hindi ko alam kung naipaparamdam ko ba o naibibigay ko ba ang best ko para mapasaya ka, maibigay mga gusto mo lalu na yung pagmamahal ko sa’yo. Gusto ko kasing maging worth it talaga ko kahit na alam mo na may sadya ako, tinotoyo kung minsan. Hindi ko talaga alam kung paano mo nagagawa yun. Sobra humahanga talaga ako sa’yo, habang tumatagal lalu kitang minamahal dahil sa mga traits mo. Hindi ko na kailangan isa-isahin kasi alam kong nasasabi ko naman yun sa’yo.
Wish ko lang n asana matupad natin yung mga pangarap natin maging partially goal met o goal met man. Basta nandito lang ako lagi sa tabi mo, hindi ako bibitaw. Mamahalin kita hangga’t kaya ko.
Iloveyou to infinity myLove. Always and forever.
Yung feeling na sana lagi mo na lang siyang kasama..
Nakakagulat.. :O
Grabe talaga.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero talagang "shocking" para sakin. Pangatlong beses ko na naramdaman ang ganitong pakiramdam, pero kung specifically sa kanya lang.. Twice na talaga at same feeling parin talaga.. Nakakatuwa lang na tanggap ka ng buong family ng boyfriend mo, hindi man in words niya/nila sinasabi.. pinaparamdam naman. Kaya isang malaking bagay talaga yun lalu na pag-okay kayo ng "NANAY" niya. At speaking of his Nanay.. Siya ang nagbibigay sakin ng feeling na kakaiba in a way na may kaba na may halong excitement at saya. Basta, nakakatuwa lang talaga.. Well, una nun ay nung inadd niya ko sa isang social site na halos parang nagpanic ako, as in sobra talaga. Napatawag pa ko kaagad kay boyfriend yun tapos pinakita ko sa kanya para bang nagtanong muna ako kung icoconfirm ko pero dapat naman talaga diba. Hihihi !! Anyway, yung next ay isinama niya ko sa listed ng "family member" niya sa same social site. Ayun na naman yung samang panic at excitement at tuwa, praning lang talaga ! Ewan ko ba, pero more on tuwa ang nararamdaman ko talaga kaya sobrang thankful ako kasi sa ganung way nararamdaman kong tanggap niya ko talaga para sa anak niya.. :")
Saya lang talaga. Thank you Lord sa another feeling of happiness na patuloy niyong binibigay.
PS: Nagconfirm na ko sa family member notification niya.. =]]
Hello boyfriend ! Iloveyousomuch xoxo
Destiny? Fate?
Hello my soon-to-be (hopefully), hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin lahat. Alam ko hindi pa dapat pero gusto ko lang malaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa’yo. Gusto ko lang sabihin ang mga bagay na ngayon ko lang narealized, mga bagay na ngayon ko lang napagtanto.. teka parehas yata yun ah. Anyway, gusto ko talagang sabihin na thankful talaga ako kasi dumating ka, alam ko ilang beses ko na nasabi ito sa’yo pero sa bawat masasayang araw na binibigay sakin ni Lord lagi kang nandun at ang pinasakamasayang part, ikaw mismo yung nagpapasaya nun. Yes, hopeful ako na ikaw na talaga ang huli kasi sino pa ba naming babae ang hindi magsasabi na sana ikaw na hanggang sa huli. Minamahal mo ko in your own little ways na nagbibigay sakin ng napakalaking kilig moments. Small things pero worth it naman talaga. Mga bagay na hindi ko talaga inaakalang mangyayari at magagawa mo. Hindi ko na dapat pa idetalye kasi alam kong alam mo na iyon. Well, tulad nga ng sabi ko..gusto kong malaman mo ang mga bagay na ngayon ko napagtanto. Isa na dito yung number ng email add ko, which is nasabi ko na sa’yo. Nakakatuwa lang kasi sobrang tagal na talaga nun parang highschool ko pa nagawa yun kasi parang nagsisimula pa lang ang facebook nun at uso pa ang Friendster. Late ko na nalaman yun habang nagtatype ako para maglog in dito sa tumblr. Imagine naging monthsary at birthday mo pa yun. Destiny? Maybe. Ewan ko basta mga bagay na gayon.Ngayon mas nag-eenjoy akong magtype ng email address ko. At yung isa ay nung nanonood ako ng Pinoy Movie sa Cinema One yata yun, ang title ay All About Love. Basta yun, my script kasi dun na sinabing “gusto kong makahanap ng taong magmamahal sakin ng totoo, tapat at wagas” parang ganon, pero ang struck talaga sakin kasi ay yung three words na palagi kong pinagpipray before pa kitang nakilala. Then now you’re with me, making those three words happen. Is is a Fate? Sakto pa namang nakain ako nun, hindi naman ako nabulunan pero natulala talaga ko. Tapos yun, sabi ko gusto kong malaman mo ang mga bagay na ganun. Siguro may mga bagay pa kong hindi pa nalalaman sa ngayon na noon ay maybe hiniling ko or mangyayari pa lang. Napakababaw lang pero ang saya din pagnalalaman mo. Ginamit ko pa talaga yung blog ko para lang masabi sa’yo. Weird ko talaga. Pero alam ko kulang pa ito sa mga bagay na gusto ko pang sabihin sa’yo and I know masasabi ko rin sa’yo yun in time. Thank you for reading this. I love you.