StupidIsforevermore
seen from Canada
seen from China

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Canada
seen from Saudi Arabia
seen from Egypt
seen from Egypt

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from China
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Australia
seen from United States
seen from Mexico
StupidIsforevermore
"Dekada'70" ni Lualhati Bautista
-
June 1 ,2020
Ayoko talaga noon panuorin o kahit basahin ang dekada'70 wala naman kasi ako interest sa pulitika. Iniisip ko boring basahin o panuorin. Pero madalas ko na ito makita. Pero hindi lang pala tungkol sa pulitika tumakbo ang istorya. Tungkol na naman sa isang ina , pamilya at kaibigan.
Tulad ko si Amanda ay sumasalamin sa mga tao na neutral pag dating sa usapang pulitika. Wala siyang pakialam basta maayos ang pamilya nya. Hanggang sa naging aktibista ang panganay na anak niya. Doon siya unti-unting namulat sa ipinaglalaban ng anak niya. Noon una ay hindi niya maintindihan kung minsan ay nagagalit siya sa anak. Katwiran niya maayos naman ang kanilang pamilya. Nakaka kain ng tatlong beses sa isang araw. May pang tuition. Pero gaya nga nya ay kahit alam niyang naibibigay naman Julian (asawa niya) ang pinansyal na pangangailangan ay may kulang parin sa kanilang pag sasama.
Baka nga meron kulang kaya ganito na lang makipag laban si Jules (panganay niya) sa karapatan ng mga mamamayan. Unti-unting nag liliwanag kay Amanda ang lahat. At katagalan ay nagiging proud siya sa anak.
Siguro tayo ay katulad din nila hindi pa gising. Hindi pa mulat sa mga nangyayari o mulat kaya lang hindi tayo kumikibo. Katwiran ay mahimbing naman tayong nakakatulog sa gabi. Hindi natin alam kapag ito ay nag tagal maaari din tayong maapektuhan sa ayaw at sa gusto natin. Maaapektuhan talaga tayo dahil kabilang tayo sa lipunan. Napapanahon sa binabasa ko ang nangyayari sa ngayon. Ang police brutality, ECQ, terrorbill at mga harapan na pang gagago ng gobyerno. Kaya ang galit sa puso ko ay nag liliyab nga ng husto kapag nakakabalita na inaapi ang mga aktibista. Mga aktibista na siyang nabasa ko sa Dekada'70 ay maituturing mo na mga bayani ng bansa. Sila yung mga tao na handa makipag laban para sa karapatan natin habang tayo ay mahimbing na natutulog.
"Bulaklak sa city jail" ni Lualhati Bautista
Repleksyon:
Ang mga karakter ay sumasalamin sa karaniwang tao. Mga tao na matatagpuan natin at makakasalamuha kahit saan. Sumasalamin ang istorya sa problema ng bansa. Kung paano ang makapangyarihan lamang ay ang mga mayayaman at ang mahihirap ay walang karapatan sa batas. Ang tao ay puppet ng salapi. Kung minsan ay mas masahol pa ang mga taong nasa itaas kaysa nasa ibaba kung gumawa ng krimen ngunit ang maliliit na tao lamang ang napaparusahan. Ngunit nag papakita rin naman ito ng may mga tao parin na sa gitna ng unos ay maaasahan mo at hindi naman lahat ng tao na nasa itaas ay walang kunsensya. Karamihan sa atin ay kunsensya ang kalaban. Hanggang kailan ka nga ba patutulugin at babangungutin? Kung ang hustisya ay hindi mo na ibigay nang makatarungan.kahit sino sa atin ay pwede maging si Angela. Pwede tayong pag malupitan ng mundo ngunit dito natin malalaman na hindi lahat ay pag mamalupitan ka. May mga tao parin marunong mag pakatao kahit pa isa siyang kriminal o minsan ay nakagawa nang kasalanan.
Masaya ako na binabasa ang libro ni Gng. Lualhati Bautista. Ito ang unang libro na binasa ko mula sa sulat niya. Mahusay nga talaga siya magsulat. Na laro niya ang imahenasyon ko ng husto. Pati ang aking emosyon. Na ipasok ko ang sarili sa loob ng libro. Sa mga nararamdaman ng karakter. Sana makapag basa pa ako ng maraming libro nya.