Happy 34 months my love! ♥
Gusto ko lang malaman mo.. na kinikilig ako sa paglagay ng title nito ☺
Dear mister ko,
Alam natin na di tayo nagkaunawaan bago tayo mag-monthsary ulit. Dahil nagseselos ako, sorry :( Sorry ulit ha? May tiwala ako sa 'yo. Di 'yun maaalis kahit kelan. Nung um-oo ako sa 'yo, binigay ko narin 'yung tiwala ko sa 'yo lahat.
Wala akong maisip kong pano ko masasabi sa 'yo na sobra kitang mahal. Wala akong maisip na gawin para maramdaman kong gano ako kasaya ngayon. Wala akong maisip kundi Salamat asawa ko, mahal na mahal kita :*
Naalala ko tuloy nung bago pa lang tayong dalawa. Nung sa landian palang tayo nagsimula :P Mula nung dumaan ako sa cbox hanggang sa nagusap tayo sa FB at nagkatext na. Hanggang sa naging tayo. Hanggang sa dumaan tayo ng maraming pagsubok. Yung mga taong ayaw tayong sumaya. Yung mga taong lagi tayong kinokontra. Yung mga taong sinisiraan ka saken para lang maghiwalay tayo. Salamat sa kanila dahil pinatatag nila tayo. Pinalakas nila loob natin na wag sumuko dahil sa kanila. Tinuruan nila tayong i-survive kung anong meron tayo.
Hun,
Hunnie,
Dadi daga,
Dadi,
Pa,
Panget,
Pato,
Asawa ko,
Napaka-napaka-napakathankful ko at ikaw yung binigay sa akin ni Papa God. Hindi man tayo parehong perfect, hindi man tayo laging nagkakaintindihan, hindi man tayo laging maayos, hindi man tayo laging tama para sa relasyon natin pero ginagawa talaga natin yung pinaka-best natin para maging okay lagi. Napansin ko yun sa 'yo, na napaka-eager mong maging okay tayo lagi. Kaya sabi ko sa sarili ko "Swerte ko. Siya yung binigay sakin. Hindi lahat ng babae nakakaranas ng ganito." Pag nilalambing mo ko parang feeling ko ang ganda ganda ko HAHA Pag sinasabihan mo kong mahal mo ko, nararamdaman ko talaga. Kita mo naman papa, 34 months na tayo pero kinikilig parin ako sa 'yo :">
Ang sarap sa pakiramdam maging inlove nu? Na yung mahal mo nung November 20, 2009 e mahal mo parin ngayong September 20, 2012. Ang sarap sa pakiramdam na yung tinuturing mong parang kapatid, kuya at boyfriend e iisa. At nga pala, ang sarap sa pakiramdam na nilalandi mo LANG yung mahal mo. Ang sarap mo kayang kalandian at kaharutan :"> HAHA. Heto na naman ako. Kinikilig.. Nangingiti at nangingisi na naman habang nagta-type :"> Pakis ha? :***************
Masaya ako ngayon. Sa sobrang saya ko, di ko alam pano sabihin o pano i-describe tong pakiramdam ko. Basta masaya ako papa.. Dahil sayo yan, alam mo yan.. Isa ka sa dahilan kung ba't ko ginagalingan sa school, sa lahat para maging proud kayo sa akin. I love you so much Mr. Sherwin Angelu Circa ko :) HAPPY MONTHSARY AGAIN! AND HAPPY ANNIVERSARY SOON =) Salamat sa pananatili sakin. Salamat sa pagtiya-tiyaga lagi. I LOVE YOU ULIT, DI AKO MAGSASAWA NA UULIT-ULITIN YAN HANGGANG MAG-ASAWA NA TAYO AT MAGKAANAK AT MAGKA-APO ♥
Love your laging kinikilig na asawa,
Jaimee Kimberly Agustin-Circa ♥








