I Pagmulat ng mga mata sa umaga ikaw agad ang nakikita munting larawan sa gild ng aking kama sadyang nagbibigay ng munting ligaya,
Ang pagpasok ko sa eskwela ay sadyang mas nakakagana pakikinig sa guro ay kay saya lalo na kapag katabi na kita,
II Sinubukan kong sulatan ka pagtatapat ang aking nadadama inipit ang sobre saiyong lamesa umaasa na ito ay makikita,
Pinagmamasdan kita sa may karenderya habang ikaw ay nagbabasa bakas ang ngiti sa iyong mata na lalong nagbigay sa akin ng pag asa,
III O, ngiti mo’y sadyang kay ganda isama mo pa ang kislap ng iyong mga mata puso ko’y sadyang natataranta tumatalon talon na ako saya, Nakita kong sumusulat ka batid ko’y sagot sa aking pagsinta naririnig ko na ang awit ng mga maya baka parehas tayo ng nadadama,
IV Iniwan mo rin ito sa aking lamesa sabik na ako itong mabasa ngunit nakaramdam ako ng kaba namumuo ang luha sa mga mata,
"Salamat sa iyong pagtatapat sa pag-ibig na iyong siniwalat pero puso ko’y may nagmamay-ari na humanap ka na lang ng iba".












