Bakit kasi ito na naman yung feeling na... "bakit siya??? Ba't di na lang kasi ako?"... :( Kung ako na lang sana ang niligawan mo, siguradong di masasayang lahat ng panahong igugugol mo sa akin. Kung nakakaramdam ka lang sana na andito ako para sayo sana hindi ka na naghahanap ng girl na aappreciate sayo. Kaya naman kitang maintindihan.. Gusto ko na nga ang kagaya mo kahit na mas matangkad ako sayo. Kahit na mataba ka, wala akong pakialam kung sabihin nilang hindi tayo bagay. Basta yung taong hiniling ko na magpasaya sa akin, sana ikaw na lang. Aaralin ko lahat ng hilig mo, lahat ng bagay na gusto mo, at lahat ng mga bagay na nagpapasaya sayo. Kaya kong mag adjust para sayo. Sana lang, ako na lang yung nagustuhan mo. Eh.. wala akong magagawa eh. Sadyang hindi ibinigay ni God yung wish ko. Yung maging friend lang ang tinupad Niya. Okay na rin yun, kesa wala. hahaha... Ouchnessss. :'( </3











