Bagong Ako
Marami nang nangyari sa akin nitong mga nagdaang taon. Maraming napagdaanang pagbabago na siyang nagpatatag sa aking sarili.
Kung noon ay puro broken feelings at mala emo sa buhay, ngayon ay matured na at nakalimot na sa mga malulungkot at masasakit na feelings dahil sa taong hindi ako gusto noon.
Ngayon ay masasabi kong naging "bagong ako" na ako. Sa pag-iisip, pag kilos at pakikisalamuha sa iba. Marami nang natutunan sa buhay at nasa tamang landas ng pag unlad.
Nahanap ko na rin ang taong mamahalin ako ng panghabang buhay at patuloy na nabubuhay na magkatuwang.
Kung dati ay umiikot lang sa iisang tao ang buhay ko, ngayon ay ako na ang pinaiikutan ng mga taong mahal ko at minamahal ako, ng aking butihing asawa at dalawang supling. Masasabi kong naabot ko na rin yung buhay bilang isang magulang.
Sa taong dati kong pinangarap, kami ay mabuting magkaibigan pa rin ngunit may kanya kanya nang buhay na iniintindi. Nalimutan ko rin yung mga bagay bagay na nagpapaalala sa kanya. Wala na rin yung pakiramdam na siya lang ang nakakapagpatibok ng puso ko dahil nailaan ko na ito sa aking pamilya.
Yung kulang sa buhay ko, napupunan na ng taong binigay ni Lord para sumaya na ako.
Inalis na ako sa kalugmukan at patuloy na nabubuhay ng masaya ta kuntento. Nawala na yung takot sa akin na harapin ang buhay kahit ano pang pagsubok ang dumating.
Kung sakali mang tanungin ako kung what if magtapat siya sa akin ng damdamin niya after ilang taon, pipiliin ko ba siya? Hindi na. Dahil wala nasiyang puwang sa puso ko ngayon.














