Para kay T I D V
Ang saya sa iyong ngiti
Nakaukit sa ‘yong labi
Wala na ang mga mali
Mula sa masamang dati
Tumingin ka sa salamin
Ang sarili ay tanungin
“Kailan ba ang aking huling
Tawa’t ngiting walang daing?”
Ika-siyam nang ika-lima
Kaarawan mo rin pala
Ngunit bakit ako pa ang
Parang pinagkalooban?
‘Pagkat Ikaw ay dumating
Kaloob mula sa Hari
Binuhay mo ang damdamin
Sa mga kwento at lambing
At tinuro mo sa akin
Ang maging totoo muli
Giniba ang mga dingding
Ng aking pagkukunwari
Pasasalamat ko’y sa’yo
‘Pagkat ako’y pinili mo
Nanatili sa tabi ko
Kahit hindi naman presko
Kay raming nasa paligid
Ngunit hindi mapapatid
Sa’yo lamang nakatingin
Ikaw lamang ang diringgin
Handa na akong tahakin
Ang mga bagong lupain
Kahit malaking hakbangin
Basta Ikaw ang kapiling
Sabay nating lalakaran
Maputik na mga daan
Gawin nating nakaraan
Ang bawat kasalukuyan
Ang hinaharap ko’y Ikaw
Ang hinahanap ko’y Ikaw
Pinapangarap ay Ikaw
Patutunguhan ay Ikaw







