April 4, 2014
Isang araw na punung-puno ng panttrip saken ang tropa ko. (Anong bago dun? HAHAHAHA!)
Here's the catch. Nakatambay kami sa tambayan namin, yung bahay ng solid tropa namin. Sumunod lang ako dun diretso galing work. Tapos nabalitaan kong papunta din si "ex-crush" dun. (yung latest bago kay "crush" ngayon HAHAHA) Tapos ayun, dumating na nga sya. Actually, may kanya-kanya kaming pinag-uusapan dun. Nasa sala kami (Darin, JC, ako, at si ate) tapos sina Rak, Eric, at sya andun sa kabilang sulok. Nung tumagal na.. nakaisip magtry ng laro. Yung Korean leg wrestling (alam nyo yun? kung napanood nyo yung EXO Showtime, yung sa last episode, yun yung ginagawa nila. Yung magkaharap na nakaupo.. and so on~) Tapos lahat kami nagtry. Pero dahil pareho kaming nandun, imposibleng walang pantitrip na magaganap. So.. pinagpartner kami -_-" HAHAHAHA! Actually, kaya lang naman ako pumapalag kase nahihiya ako sa kanya. Di sa may gusto pa ko sa kanya, automatic na lang talagang nahihiya ako. Kung ano-ano ba naman kaseng trip ng mga kaibigan namin. :3 So ayun na nga.. di naman nila kami titigilan hangga't di namin ginagawa eh, kaya ginawa na lang namin. Anong result? MALAMANG TALO AKO! Lalaki yun eh! HAHAHAHAHAHAHAHA! =))))) Tapos after nun, saglit na oras na lang tapos nagkayayaan na ring umuwi. Kaso nung nasa labas na kami ng bahay, di pa pala tapos yung trip nila. Di ko alam kung san nagsimula o sinong nakaisip magsimula nun, basta nakita ko na lang kaseng binubuhat ni "ex-crush" si tropa. Eh di ko naman na pinansin kase naagaw yung atensyon ko sa pinapanood ni ate (The Heirs) HAHAHAHA! Kaso.. dahil nga ako ang source ng ikasasaya nila kapag napagtripan.. ayun, di pa sila tapos. Sabi ni tropa sa kanya: "Uyyyy Dave! (pangalan ni ex-crush) buhatin mo rin si Annjo sige naaaaa! Oh Annjo wala lang yan, walang malisya di ba? Go na!" MALAMANG AYOKONG GAWIN YUN! Ano na namang iisipin ni Dave? Pakipot lang ako kaya tumatanggi ako? Na gusto ko rin naman kaya gawin na lang namin para matapos na? Naiisip ko kase yang mga bagay na yan, pero ang totoo di ko naman talaga gusto at di ako pakipot lang. Pero ayun nga, para matapos na, tinuloy na namin. Yun ikasasaya nila eh. HAHAHA! Binuhat nya ko. -.-" Naisip ko lang, kung noon siguro nangyari tong mga 'to, baka namatay na ko sa kilig. HAHAHAHAHAHAHAHA! Kaso.. ang weird. Iba eh. Supposedly.. dapat kinilig ako sa mga nangyaring yan. Pero.. wala talaga eh? Walang spark? HIYA lang talaga yung nafeel ko. Hiya kase naaabala ko sya at nadadamay sya sa panttrip saken. Pero other than that.. wala na. OMG! Ang astiiiigggggggg! :))))
P.S. "Sya yung nang-sisterzoned saken. HAHAHAHAHAHAHAHA!"












