Sa kakabasa ko sa blog ni Vincent, naencourage ako magblog ng tungkol nung TSEMU. Hahahaha. Actually wala na nga akong balak magpunta kasi nga wala akong kasama. Hindi na daw pupunta si Kuya Mem, tapos si Chaner naman nasa Cabanatuan. Tapos tinanong ko si Mikka kung pupunta sya, oo daw. So sumama na din ako. Sabi nya 2pm sa Trinoma. Ang yabang-yabang ko pa, sabi ko 2pm andun nako, tapos 3pm ako dumating. Walastik di ba? Tapos ayern sa haba ng byahe sa MRT inantok talaga ako. Pagdating ko ng Noma, bumili muna ako ng float pangtanggal ng init at uhaw. Maya-maya nakita ko na rin si Mikka/ @cheesethrills tapos si Simeon na hindi ko na naman matandaan ang url. Kaiyak bes. Tapos dumating narin si Case/ @xhydrokulit. Then pagdating ni Ara/ @aranola at Baste, pumunta na kami ng QC Circle. At kahit malapit lang ang Noma sa QC Circle, natagalan kami sa jeep dahil sa traffic. As in sobrang init, tagaktak pawis, nakakahaggard. Pagdating namin ng Circle, hinanap pa namin kung saan ang ganap nung meet up. Pagdating dun, ayern greet sa mga kakilala tapos blanko utak pag di kilala. Hahahahaha. At dahil pagod nga kami, naghanap kami ng upuan. Tapos naaktuhan naman kami ng mga singing kids don. Feeling namin nasa the voice kami na kami yung coaches. Yun nga lang imbis iikutan mo pag nagustuhan mo, magbibigay ka ng barya. Hahaha Tapos pinalapit kami sa grupo akala namin may games. Wala naman pala. Hahahahaha. So naghanap kami ulit ng mauupuan at dahil hindi kami nauubusan ng kalokohan, nagtatawanan na lang kami. Tapos nag-group picture sila, tapos si Geron/ @666eron lang tinawag kaya di kami lumapit. Nagdrama ang mga letse. Pero nung sumunod tinawag na kami kaya lumapit na kami. Shet na mga pabebe, kaynis. Gusto na sana namin bumalik ng Noma pra sa aircon pero hinihintay pa kasi namin dumating sina Vincent/ @vincentangpangalan kasama nya si Jum/ @jumbastard Ann/ @annbaalooot at Julia. Mga past 7pm ata umalis na kami dun. Pero kung sino-sino kaming magkakasama papunta, yun lang din magkakasama pauwi. Pero dahil gusto nila maglaro ng UNO cards, nagpabili sila sakin sa Circle. 100 lang naman kaya keri na. Pagsakay ng jeep, traffic na naman. Tapos may sumakay na tumutugtog, ang tono yung sa buduts. Letse yan. Pero matindi si Baste, nilagyan pa ng lyrics. PPAP. Tuwang-tuwa tuloy mga tao sa jeep. Pero mas natutuwa ako dun sa babae na katabi ni Case kasi talagang all eyes sya sa mga ginagawang kalokohan namin. Tipong nakikita kong ginagaya nya yung mga hand gestures pero pinipigilan nya. Sasabihin ko sana kay Mikka kaso baka tingnan nya tapos mahuli kami. Hahah kay di ko sinabi. Pagdating ng Noma, kumain kami. Gusto ko sana magrice kaso si Case at Mikka nagdiet, nahiya ako. Kainis. Tapos naglaro ng UNO na sa sobrang ingay, nasita kami ng guard. Mga 9pm, uwian time na. Uuwi na dapat ako kasi di naman ako iinom pero at the same time, ayoko pa umuwi kasi maaga pa at wala naman akong gagawin sa bahay. Tapos nagpunta kami ng MOA kasi sa Padi's magiinom. Pagdating dun, di rin naman natuloy kasi may door charge na 200. Walangya, sayang kaya nun. Tapos sumunod pala si Kuya Mem/ @thelastbrewster. Tapos dami pa nilang naisip na ibang lugar, nauwi lang naman kami sa pagtambay dun sa synthetic grass. Naglaro ng UNO tapos bumili sila ng maiinom. Tapos nung nagsawa na sa paglalaro, kwentuhan naman. Sa sobrang tawanan, namaos ako. Walangya. Nung pinagsarhan na kami ng ilaw, tumambay naman kami sa McDo. Naghintay hanggang 5am kasi yun daw yung oras na pwede makauwi si Ann. So tipid-tipid sa pinag-ambagan na BFF Fries plus unlimited kwento at tawanan akala mo hindi pa madaling-araw. Hindi ko nafeel yung pagod kasi ang saya naman nilang kasama. Mga baliw. Grabe grabe talaga. Solid Team CC charot. Sana maulit ulit yung ganun. Tambay lang ulit. Hahahahahaha.