This year, marami rin akong nakilalang bagong kaibigan, Ka-Tumblr, at marami pang iba. And they made my year 2011 happy. Wanna know them? Check this out. =)
1. Angelo Padua - Siya na talaga ang naging Best Friend ko. This November lang kami nagkakilala in person. Pero, nung kasagsagan ng Semestral Break, nagkakilala kami via Twitter. Finollow niya ako in the first place dahil magkapangalan daw kami at pareho kaming nakatira sa Pasig. Tapos, nung nagkita kami, andami pala naming things in common; sa music, sa ugali, sa likes and dislikes. EVERYTHING. Nagsimula kaming naging Best Friends nung November 18 at hanggang ngayon Best Friends pa rin kami. Lahat pala ng mga lakad namin natutuloy. Hehehehe. Pretty cool huh? I'm happy that he is my Best Friend! =))
2. Rovi Viloria (aka foreverscrewed) - This guy made my year din. Hindi lang dahil nagkaroon kami ng misunderstanding kundi dahil marami rin kaming memories na nagawa nito. Una dyan ay ang panonood namin ng concert na nagngangalang MTV Exit. At dahil sa kanya, nagalugad ko na rin ang Southern Part of Metro Manila. Hahaha. Dakilang Gala ko talaga. XD First time kong pumunta ng Muntinlupa nung October 26 this year. Nagmeet kami ng biglaan dahil sa kakulitan ko. Dapat sa bahay nila pero instead, pumunta na lang kami sa Festival Mall. Na-late siya nun so nilibre na lang niya ako ng lunch sa Mcdo. Ang dami rin naming confessions. Nung pasukan ng Second Sem, nagkaroon kami ng Misunderstanding so ilang months din kami hindi nagpansinan. Namiss ko rin ang lahat ng bagay na ginawa namin. And finally, kaninang umaga, He apologized to me. I kindly recieved it with all I am. Matagal ko na rin siyang pinatawad, pero nahihiya rin akong lumapit sa kanya kasi baka mairita siya saken. Hindi pala. Tama pala ang ginawa namin na palamigin namin ang issue at magkapatawaran. And now, nanumbalik ulet ang friendship namin. =)
3. BSIT 2-2D - Napagpasyahan ng College Dean namin na pagdating namin ng Second Year, ishu-shuffled ang sections namin at ako ay napadpad sa BSIT 2-2D. Sa una, snob talaga ako kasi ang daming bagong mukha. Bagong Kaklase syempre. Pero hindi nagtagal, naging close na rin ako sa lahat. Hindi naman super close pero nakakausap ko naman silang lahat. May naging ka-close ako sa room, sina Karla and si Jinky. Natutuwa ako sa kanila kasi talagang may tiwala talaga sila sa akin na ibigay ang kanilang natatagong sikreto tungkol sa kanilang crushes. Hehehe. And happy din ako sa circle of friends kong sina Gege, Aira, Dessa, Martin, Nico, Dano, and Mel. Walang araw na hindi ako tumatawa sa kanila dahil pinapasaya nila ang araw ko kahit na minsan nabibiktima din ako ng mga kalokohan nila. XD Ang pinaka-hindi malilimutang sandali kasama sila ay ang aming Christmas Party. Grabe, ang dami naming tawa at halakhak. Sana classmate ko ulet sila next year. [Crossfinger]
4. SECTION 5 (aka HIGH 5 or TUMU5) - Seriously, these guys made my year din. Nung TUMU 2011 sa Alabang, masaya ako dahil open lahat ang members n Section 5. Wala talagang naOP sa amin. As in lahat talaga hindi snob. Akala ko talaga may magiging snob sa amin, wala pala. Ang saya lungs. And seriously, nung TUMU2011, parang ayoko nang umuwi dahil sa sobrang tuwa't saya hatid nila. At sa darating na January 7, magkikita ulet kami. Naeexcite na ako. Kaya Prof. Byron, Prof. Nichole, Brian, Red, Kelzey, Marien, Erika, Adrian, Kathleen, Roi, Cedrick, Lina, Carbie, Jepoy, Neil and the rest of TUMU5, kitakits sa MOA. I MISS YOU ALL! =))
5. Avril Lavigne - This summer ko lang na-appreciate ang mga kanta ni Avril Lavigne. Simula nung napakinggan ko ang kanta niyang WHAT THE HELL, dinownload ko ang Goodbye Lullaby hanggang sa naDL ko na ang lahat ng album niya; Let Go, Under My Skin, The Best Damn Thing at Goodbye Lullaby. Kaya as of now, nagiipon ako para sa concert niya sa February 16 next year. Simula nun, ako ay isa nang Little Black Star. <3
6. Tumblr - This blogging site really made my year dahil:
- Nakakarelate ako sa mga post dito.
- Ang dami kong naging New Friends.
- Dito ko binubuhos ang aking sama ng loob.
- I express myself through blogging.
- Ambabait ng mga tao dito. Swear.
And here they are. Sana mabasa ninyong lahat ito lalo na ang mga taong nasama ko sa listahan na ito. I wish you a Happy New Year! =))