Ulan, Luha
Habang pinapanood mong bumagsak ang ulan sa labas ng 'yong bintana Nag-aabang ka rin ng pagbagsak ng iyong mga luha Nakakapagtataka na sa unang pagkakataon ay sinabayan ka ng panahon Na hindi mo maramdaman noon
Ngunit magkasing-bigat nga ba ang salok na tubig ng ulap At ang bigat na iyong dala at inaakap?
Dahil sa bawat pag patak ng ulan ay bawat patak din ng nakaraan At sa bawat pag ihip ng hangin ay bawat hagip din ng sakit ng damdamin
Ngunit magkasing lakas nga ba ang hagupit ng ulan at ang bawat masasakit na salitang iyong naramdaman?
Dahil nang tumulo ang luha ay bumagal ang mundo Bumagal ang oras at pinikit ang mga mata mo Nagtanong kung bakit, at bakit ako Pero bakit hindi sa iba, at bakit hindi ako?
Ngunit minsan pagkakaitan tayo ng mundo ng sagot Pero ni minsan hindi tayo pinagkaitan ng sakit at puot











