Ayon hello haha

seen from Malaysia

seen from Sweden
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Australia
seen from Finland

seen from Malaysia
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Netherlands

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
Ayon hello haha
011917
Finally!!! Sinipag din akong kumuha ng lisensya. Jk, wala lang akong choice kasi mag-eexpire na student permit ko next week. :)) Last December pa ‘ko pumasa sa driving school. So, ayun 6 hours ako sa LTO San Juan kanina! Buti may mga kasama ako na nag-enroll din sa Smart Driving kaya nag-uusap usap kami. Puro sila lalaki tapos parang ayaw nilang maniwala na manual dina-drive ko huhu. Anywaaay, papel pa lang ulit binigay, wala pang card pero at least valid for 5 years na! At infairness, mababait mga tao dun ah!
Pag-uwi ko naman sa bahay ng lola ko, nagyaya naman siyang pumunta sa Robinsons Manila, bibili daw ng sapatos pang-ballroom. Tapos, nilibre ko ng merienda sa Pizza Hut (first time HAHA).
hi (nakakatamad basahin at kwento ko lang 'to, mag-scroll na ikaw)
gusto kong sabihin na ang tagal na nuong huli akong nagtipa ng naiisip ko pero nung tinignan ko 'yung petsa--ngayong october lang din pala 'yung huli hahahaha. siguro kasi dati madalas talaga akong nag-iisip (ngayon medyo hindi na ako nag-iisip hahaha charot), 'yung madalas talaga akong nakakaisip ng mga bagay na maiisipan ko ng koneksyon sa buhay-buhay. napiga na ko ng paperworks, kahit mga metapora ko na kakampi ko sa lahat ng bagay ay pagod na rin at hindi na kaya mag-duty.
kumusta ako? hindi ko pa rin alam eh hahahahaha. okay lang ba ako? oo na hindi? ewan. pero kaya pa? siguro, nandito pa ako eh. hindi pa naman ako nawawala.
grabe, itong-ito 'yung definition ng 'surviving' talaga hahahahaha. kung lilingunin ko lahat, kung minsan tinatanong ko kung nabubuhay ba talaga ako. may buhay pa pala talaga ako non hahahaha. ngayon? parang wala. siguro kasi ilang buwan, simula nang magsimula lahat ng ito--naging patibayan na lang talaga physical man o mental health. paano ba naman buong bakasyon (summer) ang problema ko 'tong g0byern0 natin, isipin mo 2020 sakit sa puso ang handa nila tapos hindi pa nakatulong 'tong online class. pero alam mo, mas bihira ako umiyak ngayon (siyempre bukod nung summer, inang bayan lang iniiyakan ko) hahaha. pero kung titimbangin, mas mabigat naman ngayon. madalas kailangan ko pa makinig ng kanta, manuod, o magbasa ng magpapaiyak saakin para mabuhos lahat tapos hindi naman 'yung ginawa kong pang-iyak 'yung iiyakan ko hahahaha. mas okay din pala talagang mas madalas umiiyak kaysa 'yung kailangan sapilitan pa hahahaha. pero (ulit) mas convenient naman siya kasi wala rin naman na akong oras hahahaha. alam mo 'yung meron pero wala. kasi hindi naman ako nag-ccram, nagagawa ko sa tamang oras mga gawain ko eh, siguro kasi medyo ubos na rin ako at nilalaan ko na lang sa pahinga. na kahit mas nakakapag pahinga ako kasi hindi naman ako naggagahol, hindi kaya ipasok sa schedule hahaha.
pero sa kabilang banda, maraming beses din naman akong tumatawa. gawa na rin ng kung anu-ano mga nakikita ko ngayon lalo na sa social media hahahaha. nagbalik fangirl na rin ulit ako. first year hs pa huling taon na naging fan ako ng kpop group (stan red velvet) lol hahahaha. kahit papaano naging pahinga ko rin sila, kalmado at masaya rin kasi 'yung fandom. dagdag din siguro na mas masaya kasi sabay-sabay kami mga kaibigan ko na nag-stan sakanila. buti na lang talaga same group lang kaming apat hahaha.
'yung series ko nga rin pala na sinusulat, hindi talaga ako makausad hahahaha. galing ko pa, anim na installment ang plano ko. tapos nasa chapter 4 pa lang ako ng unang libro, nuong bandang may pa ako nag-start. ang mahirap kasi talaga kahit na sabihin mo na okay na from characters (paghulma), plot, plot twist, at ending. ang kalaban talaga ay 'yung agos, dahil hindi naman pwedeng tumalon na lang lahat sa climax. kailangan may pagdadaanan lahat. kumbaga para talaga akong gumagawa ng totoong buhay, nandito 'yung dadaan sa pagtuto natin paano umupo, sa pag gapang, pag tayo, pag lakad, pagsasalita, paano tayo matututo sa bawat karanasan, paano ilalatag ang plot twist ng storya, paano tayo nito huhulmahin, at paano ito matatapos nang may maipapabaon sa nagbasa nito. hindi man bawat araw pero siyempre may araw (hindi araw na sun ah) na hindi ko alam kung ano na mangyayari, ano na gagawin nila, lalong-lalo na at nasa umpisa pa lang ang lahat.
pero (ulit-ulit) umaasa ako na matapos ko talaga silang lahat. kasi plano ko talaga ay i-publish sila, ilang piraso lang hahahaha. kung pwede ay tig-iisa nga lang hahaha. pang saakin lang. ganito (pa) lang naman 'yung pangarap ko hahahaha. tapos hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko hahahaha bukod sa tatanda akong mag-isa nang maraming-maraming alagang pets. ito pa lang gusto kong mangyari sa buhay ko.
ikaw ba, (wala lang baka may umabot dito o dulo lang babasahin) ano ang (mga) plano mo? mayroon na ba o wala (pa) rin tulad ko? kung mayroon na ay masaya ako para sa'yo at sinasabi ko na agad na naniniwala ako sa'yo at proud na ako. kung wala pa naman, sabay (kung hindi man, sana mauna ka) natin tuklasin at hanapin ang ating mga sarili.
mag-iingat ka at ingatan mo ang sarili mo.
WELCOME TO THE PHILIPPINES,POPE FRANCIS!
Tumaba ako! HAHAHAHA
061014: Valid (Update with angst)
Just resurrected from my three-ish days of flu/tootache grave and while I still run on paracetamol and mefenamic acid, I feel like death.
Partly because I REALLY like someone who doesn’t “really” like me back. Nope. Not even mutual (I think.) Diba? Para kang semi namatay niyan.
I’m starting to believe all of my assumptions and I will cling to them until, and only until, I get the message na “Ayoko sayo, Maxine.”
Sometimes we just really need someone to tell us the truth. Kung hindi, sayang ang oras, effort at gandang nilalaan natin sa mga imbalido at walang papupuntahang mga dahilan (na kadalasan ay tao… mga taong may cute na letseng mukha.)
Diba. Sabihin mo na lang. Would probably hurt less. Probably. At least we saved hearts and their faces from breaking.
And so before I wrote this, I literally stood in front of a mirror, caressed my fucked up right cheek from the (still) toothache and I said to myself
"Someday. Kayanin mo yan."
Yep. Sometimes it’s all we need. Fuck you, too (ng kaunti.)